Hayop/Insekto na maikli lang ang buhay

1. Pasok sa listahan ang mga daga na madalas nakikita sa bahay.

Peste kung ituring ng karamihan ang mga dagang ito, mahilig kasi itong mangatngat ng mga gamit at manira ng kung anu-ano. Isang taon lang ang itinatagal ng mga dagang ito. Akalain n’yo bang ang nakikita n’yong dagang kasing laki ng pusa ay isang taon lang?

2. Isang taon lang ang buhay ng panther chameleon. Ito ang may pinakamaikling buhay sa mga reptile. Native ang hayop na ito sa bansang Madagascar.

3. Mayroong limang libong species ng dra­gonflies sa mundo.

Ang magandang tu­­tubi sa damuhan ay apat na buwan lang ang buhay. Ngunit karamihan ng klase ng mga tutubi ay mas maikli lamang ang itinatagal dahil kadalasan, sila ang paboritong pang laman tiyan ng mga gagamba, ibon, butiki, at palaka.

4.  Tumatagal ng apat na linggo o isang buwan ang pinakanakakairitang insekto sa ating bahay – ang mga langaw. Mas matagal pa nga ang buhay ng mga ito kung ito ay naninirahan sa ating mga bahay, lansangan, o estero kesa sa gubat.

Habang nabubuhay, kayang manganak ng 1,000 itlog ang isang langaw.

 

Show comments