Paano Mag-isip ang Milyonaryo?

May pagkakahawig ang mga katangian ng mga milyonaryo higit pa sa laman ng kanilang bank account.

Ang ilang sobrang yaman na tao ay may kakaibang lakas ng loob, talent bilang salesman, may vision at passion.

Karamihan ng millionare na  tulad ni  Billy Gates ay kakaiba ito kung mag-isip. Hindi lang pera ang  mahalaga sa kanila, na kung sa ibang tao ay inuubos ang oras at lakas sa ibang bagay.

Ang milyonaryo ay gumagawa ng sariling direksyon patungo sa goal na minihithi. Kung gustong yumaman ay dapat naka-set ang isip sa tamang pangarap at tahakin ang landas nito.

Hindi lang basta goal meron ang mga milyonaryo. Hindi rin sobrang laki ang kanilang pangarap na pinapaniwalaan nilang basta lang matutupad.

Kundi creative sila sa kanilang vision. Hindi sila takot na maghanap ng solusyon kahit hindi sakop ng kanilang teritoryo.

Show comments