Masipag man ang isang tao o empleyado, nakararanas din itong ma-burnout. Kahit ang mga best employees ay nalilito rin; pakiramdam ay pinaparusahan sa kanilang malaking performance, kapag sobra-sobra ang pinagagawa sa kanya.
Kapag overwork ang isang empleyado, hindi na rin ito nagiging productive. Sa research, ang pagiging produktibo ay bumabagal din kapag sobra na sa hinihinging oras. Kaya wala na rin itong natatapos.
Kapag nagdagdag ng sobrang trabaho sa talented na empleyado, marapat lang na dagdagan din naman ang kanyang estado. Ang mga best at talented na empleyado ay puwedeng tumanggap ng mas malaking trabaho, pero kapag ito ay nasasakal na sa proseso, malamang mag-give up din ito sa bandang huli.
Kapag dinagdagan din ang kanilang workload dahil lang sila ay efficient na empleyado, pero walang nagbago; maghahanap ito ng ibang trabaho kung saan magbibigay sa kanila ng kung ano ang karapat-dapat para sa kanila.