Secret garden kung tawagin ng mga kabataan ang isang parte ng St. Andrew Parish Church sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte. Puno ng halamang ugat ang malawak na parteng ‘yun ng simbahan kaya medyo nakakatakot dahil may dating ito na parang may tinatagong hiwaga at misteryo.
Agaw pansin ang Secret Garden dahil may hagdan ito pababa na puno ng tubig at halamang-ugat kaya malabong mapuntahan at masilayan kung saan nga ba patungo ang nasabing hagdan.
Noong araw daw pala ginagamit ang underground stairs upang patunugin ang kampana sa tore, ibig sabihin, ang mahiwagang hagdan paibaba ay daan papunta sa ilalim ng tore ng simbahan. Doon daw tumatakbo ang isang kabayo upang hatakin ang taling nakakonekta sa kampana kapag oras na ng pagsimba. Wow!