Mahirap para sa isang babae ang magbuntis, bago pa man lumaki ang iyong tiyan ay may ilang bahagi na nito ang lumalaki dahil sa pamamanas. Isa ito sa pinakaaasaran ng mga babae lalo na kung makikita niyang namamaga ang kabuuan ng kanyang mukha, lalo na ng ilong. Narito ang ilang hakbang upang maiwasan ang pamamanas:
Magpahinga – Dapat na magkaroon ng tamang oras ng pamamahinga. Isa rin kasing dahilan ng pamamanas ay ang pagtayo ng matagal na oras. Kaya kung magpapahinga at itataas ang mga paa sa unan upang mas maging komportable.
Uminom ng maraming tubig – Dapat na uminom ng maraming tubig upang mailabas ng iyong katawan ang mga toxins dito. Kaya dapat na uminom ng walong basong tubig sa maghapon. Dapat na maging prayoridad ang tubig sa iyong mga iniinom kumpara sa kape o juices.
Umiwas sa maaalat na pagkain – Bagama’t kailangan mo ng asin upang manatili ang tubig sa iyong katawan, hindi rin dapat na sumobra ang pagkain mo ng maaalat dahil kapag sumobra ang sodium ay tiyak na mamanasin ang katawan ng isang buntis.
Maging ‘cool’ – Kapag buntis, mainit ang pakiramdam at nagreresulta ito ng pagkamanas. Kaya mas mabuting manatili sa malamig na lugar o kaya ay mag-swimming.
Magsuot ng komportableng damit – Kapag buntis, hindi dapat magsuot ng masisikip na damit at sapatos. Ito ay dahil mas mahahalata lang na ikaw ay namamanas. Magsuot ng maternity dress na maaaring makahinga ang iyong buong katawan.