“NARINIG mo ba ang sabi ko, Carlo? Sa tagal ng pagkalimot ko kay Lord, kapag ngayon ako hihiling sa kanya—sisipain na Niya ako!” halos sigaw na ulit ni Miranda kay ‘Padre Tililing’ a.k.a. Carlo.
Tinutulan agad ng ‘padre’ ang sinabi ni Miranda. “Ganyan na ba kakitid ang tingin mo kay Lord? Na Siya ay Diyos na hindi makatarungan at hindi maawain? Na Siya ay super-lupit?”
“Hu-hu-hu-huuu. Gusto kong hilingin sa Kanya na iligtas sa kamatayan si Simon, pero nahihiya ako. After all these years na kinalimutan ko Siya, saka ako hihiling?”
Umiling si ‘Padre Tililing’. “Miranda, kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan; seek and you shall find. Walang hanggan ang pang-unawa ni Lord.”
“Hu-hu-hu-huuu.”
“Go, Miranda, dumalangin ka sa Kanya. Humingi ka ng awa.”
“Lord, nagmamakaawa po ako sa Inyo. Iligtas mo po sa kamatayan ang asawa kong si Simon! Hu-hu-hu-huuu.”
Biglang bumukas ang pintuan ng Operating Room.
Lumabas ang isa sa mga duktor, pawisan.
“Sino ang kaanak ni Simon?” tanong nito.
“A-ako po, dok,” sabi ni Miranda, napakalakas ng kabog ng dibdib.
Hindi niya kakayanin kapag sinabi ng duktor na wala na si Simon, na ito’y pumanaw na.
“Nasa critical state pa rin si Simon, misis. 50-50.”
“O, Diyos ko! Hu-hu-hu-huu.”
“Ang masama pa, kapag nabuhay siya ay... magiging paralisado mula leeg hanggang paa.”
“Diyos ko naman, Diyos ko namaann! Hu-hu-huuu.”
“I’m really sorry, misis. Milagro na lamang ang magre-reverse sa kalagayan ng pasyente.” (ITUTULOY)