Tanong: Malalaman daw ang pagsisinungaling sa galaw ng mga mata, totoo po ba ito? - Estong
Sagot: Posible ito ayon sa mga expert…kung magiging sapat ang kasanayan para sa mga tinatawag na nonverbal cues sa body language ng isang tao- ang facial expression, kasama na ang galaw ng mga mata at speech patterns para magkaroon ng ideya kung nagsisinungaling ang kausap.
Ang mga sumusunod ay ilan pang hakbang na makakatulong para matukoy kung ang inyong subject ay nagsisinungaling:
Magtanong. Maaaring simulan sa pag-e-eksperiÂmento, maaaring malapit na kaibigan ang maging subject. Pero ayon sa mga expert sa ganitong larangan, mas magiging makatotohanan kung tunay na sitwasyon ang kasasangkutan para sa pagtuklas kung may nagsisinungaling o wala.
Obserbahan ang tipikal na inaasal. Tutukan ang body language, galaw ng mga mata, kung consistent ang boses at ang lakas o paghina nito. Mas magiging epektibo mano ito ayon sa mga expert kung na-obserbahan din ang inyong subject sa sandaling nagsasabi siya ng totoo.
Markahan ang mga hindi tuwirang paggalaw o kilos. Ninenerbiyos ba ang subject mo? Hindi makatingin ng diretso sa mata? Ngumingiti ba siya? Relaxed sa pagkakaupo? May ilan na nagiging mas aktibo kumpara sa iba, ibig sabihin ang pagkabalisa o pagiging hyperactive ay hindi tuwirang senyales ng panlilinlang. Ipaghambing ang irregular behavior sa karaniwang asal ng subject.
Suriin ang direktang reaksiyon ng iyong subject. Sa bawat pagtatanong, tingnan kung direktang sagot ang ibinibigay niya o maligoy at inililigaw ang usapan. Ang isang sinungaling ay lumalayo sa pag-uusisa dahil sa hindi komportableng pakiramdam.
Tingnan ang delayed o mabilis niyang reaksiyon kaysa karaniwan. Matagal ba bago sumagot ang subject mo? Inaabala ba niya ang pagtatanong? Sa paliwanag ng mga expert, kung ang isang tao ay matagal sumagot o ipinapaulit ang taong, maaaring gumugugol siya ng panahon para makakuha ng katwiran. O maaaÂring sobrang bilis naman niyang sumagot.