Dear Vanezza,
Ako po si Reya, 20 years old and taking up Business Admin. Bata pa lang ako ay pangarap ko nang magka-bf ng lalaking guwapo, mayaman at mabait. Iyan ang aking criteria sa pagpili ng lalaki. Pero parang mabibigo po ako dahil hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang ganyang lalaki. Mayroong guwapo pero playboy at mayabang. Mayroon namang mabait pero hindi guwapo. Kung magka-bf naman ako hindi rin nagtatagal dahil may mga ugali siyang hindi ko nagugustuhan. Naiinggit ako sa mga friends ko na ang relationship sa kanilang mga siyota ay lasting. Ako wala pa talagang nagpapatibok sa puso ko. I will appreciate your precious advice.
Dear Reya,
Masyado kang idealistic, mapili at napaÂkataas ng pamantayan sa lalaki. May kasabihan ang matatanda na baka sa kapipili mo ay matapat ka sa bungi. Ang pinakamabuting criteria ay yung lalaking mahal mo, mahal ka, kaya kang buhayin kasama ang magiging anak ninyo at higit sa lahat ay faithful. Apparently, wala ka pang nakikitang lalaking ganyan. Huwag kang mag-apura at baka hindi pa lang dumarating ang tamang lalaki para sa iyo. Don’t engage into any relationship just for the sake of it. Bago ka sumagot sa lalaki siguraduhin mo muna ang iyong damdamin.
Sumasaiyo,
Vanezza