Maraming mga lalaki ang nag-iisip na alam na nilang lahat ang tungkol sa pakikipag-sex. Na alam na nila ang tamang pag-gamit ng condom. Kung ano ang gagawin kapag nagkaproblema sa condom. Ang tamang size ng condom na dapat gamitin. Ang tamang klase ng condom na dapat gamitin.
Alam n’yo bang napakaraming uri ng condom ngayon ang ibinibenta. Sa damit ng pagpipilian ay hindi mo na alam kung ano ang dapat bilhin. Ang daming sizes, flavors, thickness at may iba-iba na ring variant.
Paano mo malalaman kung ano ang dapat bilhin? Ito ang tatalakayin natin ngayon at sa mga susunod na colums. Sa ngayon, ang maibibigay muna naming tip ayon sa embarrassing oproblems.com ay ang mga sumusunod:
*Sumubok muna ng iba’t ibang uri ng condom hanggang sa makita kung saan kayo komportable ng partner.
*Piliin ang matibay na condom para hindi magkaroon ng ‘problema.’
*Hindi porket rekomendado ng kaibigan ay ito rin ang nababagay sa iyo.
*Ang mga condoms ay gawa sa Latex rubber. Kung hindi ninyo feel ang texture ng Latex at ang amoy nito, sumubok ng polyurethane condom.
(Itutuloy).