Diet may kinalaman sa depression? (1)

Sa iba’t ibang mga pag-aaral, lumalabas na may kaugnayan ang mga kinakain ng isang tao sa posibleng pagdanas niya ng depression. Ito marahil ang dahilan kung kaya sinasabi ng mga health care expert na mahalagang maging aware ang lahat sa kanilang kinakain dahil sa posibilidad na may impact ito sa mood ng isang tao.

Ipinaliwanag din na walang partikular na diet ang agad-agad makakapag-improve ng mood, pero may mga pag-aaral naman na tumutukoy sa kahalagahan ng ilang nutrients para sa malusog na brain chemistry.

Kung  kulang sa mahahalagang nutrients ang diet, hindi makakapag-produce ng mahahalagang brain chemicals o tinatawag na neurotransmitters ang katawan. Ayon sa mga expert, karaniwan ang mga taong dumaranas ng depression ay nababawasan ang neurotransmitters level, lalo na ang serotonin na mahalaga para sa mood regulation.

Ang neurotransmitters ay galing sa mga nutrients na kinukunsumo ng katawan. Kaya mahalaga na tiyakin na makuha ng katawan ang proteins, carbohydrates, amino acids, vitamins, minerals, enzymes at omega-3 fatty acids.

Sa kabuuan, ayon sa mga expert ang protein rich-foods ay mayaman din sa amino acids. Pinaniniwalaan na nagpapataas ito ng alertness level, energy at concentration. Kabilang sa mapagkukunan ng protein ay ang poultry, isda, itlog, beans at mani, gayundin ang soya at mga produktong gatas.

Makukuha naman ang complex carbohydrates sa whole grains, mga prutas at mga gulay, na pawang kilala na nakapagpapataas ng brain’s serotonin levels. Mahalaga rin na matamo ng katawan ang ilang vitamins gaya ng vitamin B1, na kaugnay sa pagka­karoon ng malusog na nerve function. (Itutuloy)

Show comments