Sa maraming pag-aaral, napatunayang kailangan ng mula 15 hanggang 20 minutong pag-idlip. Kabilang dito ang pag-reset ng iyong sistema at matamo ang higit na pagiging alerto at mapataas ang motor performance ng iyong katawan.
Ayon sa mga expert, ang haba ng iyong idlip at ang uri ng tulog na nakukuha anag makatutukoy sa brain boosting benefits ng iyong pag-idlip. Sinasabing 20 minutong power nap, na tinatawag ring stage 2 nap ay mainam para makuha ang pagiging alerto at motor learning skills gaya ng pagta-type at pagtugtog ng piano.
Sakaling mapasarap ang pag-idlip at humaba pa ito sa 20 minuto, nakakatulong ito para ma-boost ang memory at mapaunlad ang creativity. Ang tinatawag na slow-wave sleep o pag-idlip sa tinatayang 30 hanggang 60 minuto ay maganda para sa decision-making skills, gaya ng pag-memorize ng vocabulary o pag-alala sa mga direksiyon. Para makuha naman ang tinatawag na rapid eye movement o REM sleep, kadalasan nasa 60 hanggang 90 minuto ang pag-idlip. Mainam din ito para magkaroon ng bagong koneksiyon sa utak at para sa pagresolba ng mga problema. (Itutuloy)