^

Pang Movies

Mag-asawang celeb, nasa isang kwarto ang mga datung!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Marami palang nakaimbak na cash sa bahay ang mag-asawang celebrity.

Yup, meron daw isang kwarto sa bahay nila na pulos pera ang laman.

Inactive na in a way ang mag-asawa sa kanilang mga negosyo pero common knowledge naman na mapera sila.

Pero hindi raw akalain ng source na hindi na nila dinala sa bangko ang mga nasabing pera nila at inilagay na lang sa isang kwarto sa kanilang bahay.

At ang pinagkakaabalahan daw nila, mag-shopping ng luxury items sa abroad.

Habang ang mga artista, pulitiko ay galit na galit sa mga podcaster

Phillip, hindi pa pinagtatanggol si Joshua!

Hindi na kinailangang magsa­lita ni Kris Aquino. Marami na ang nagtanggol sa anak niyang si Joshua na pinagtawanan at pinaglaruan ang kapansanan.

Tulad ni former politician Mark Leviste na tunay na anak ang turing kay Joshua. Si Mark ay ex ni Kris at nakasama niya ang panganay nito na ang ama ay si Phillip Salvador noong nagpapagamot si Kris sa Amerika.

 Umpisa ng dating pulitiko sa kanyang post: “I rarely speak negatively about anyone on social media, but this is personal.

“Nung nabalitaan ko kanina na may isyu involving Kuya Josh (Aquino) tinanong ko kay Aira Lopez kung ano ang nangyari. She told me the story, and I couldn’t contain my anger! Nagpaalam ako (kay Aira) na ilalabas ko ang aking saloobin, at nagpapasalamat ako sa kanya dahil nauunawaan niya ako at iginagalang ang aking damdamin,” umpisa niya.

“I know #KuyaJosh personally. I love him like my own son, and my children love him like their own older brother. He is one of the kindest, sweetest, most prayerful, and loving people you will ever meet. Sinuman ang tunay na nakakakilala sa kanya ay mauunawaan kung bakit labis na nakasasakit sa aming mga nagmamahal sa kanya ang mga binitiwang salita tungkol sa kanya.

“To call him “walang kwenta” and mock him publicly is absolutely unacceptable! Tang ina!!! Wala akong nakikitang ka-machohan at katawatawa sa mga inasal ng mga nang-insulto kay Kuya Josh!

“You may call yourselves comedians or podcasters, but freedom of expression does not exempt you from accountability! There’s a difference between making people laugh and turning someone into a laughingstock. When your foolish words and slapstick humor demean someone, especially because of his disability, you cross a line that should never be crossed!” sabi niya pa sa nasabing post kalakip ang ilang photos na kasama   si Joshua kung saan meron pa na sila ng girlfriend niya ngayong si Aira Lopez ay kasama.

Dagdag pa niya: “Ipagtatanggol ko si Kuya Josh, gaya ng pagtatanggol ko sa sarili kong mga anak! Hindi ako mananahimik kapag ang isang taong mahal ko ay tinatrato nang ganito!

“To the people responsible, take this fcuking seriously!! Do not mistake the gentleness of Kuya Josh for weakness. And do not mistake the public’s outrage for something that will simply disappear once the issue dies down.

“An apology is only the beginning. Take full responsibility for what you said, apologize sincerely to Kuya Josh and his family, and demonstrate through your actions that you understand the harm you have caused. Siguraduhin nyo hindi na mauulit to!!

“Kuya, you are loved. You are valued. And you will never have to face this world alone. Those of us who know your heart, and know you by heart will continue to stand by you?

“Mahal kita!”

Wala namang pahayag tungkol dito ang tunay na ama ni Joshua na si Phillip Salvador.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with