Ivana, sinagot ang pangwawasak ng pamilya!

Muling ipinagdiinan ni Ivana Alawi na kailan man ay hindi siya nanira ng pamilya na isa sa mga isyung laging ibinabato sa kanya.
Sa kanyang latest vlog ay sumalang ang aktres/content cretor sa isang lie detector test kasama ang nanay niyang si Fatima Marbella o Mama Alawi at ang kapatid niyang si Hash Alawi.
Sa simula nga ng vlog ay ipinaliwanag ni Ivana na legit na lie detector machine ang gagamitin nila hindi katulad dati na parang laruan lang at hindi accurate.
This time ay may eksperto pa silang kasama na siyang magbabasa kung ‘lie’ o ‘truth’ ang kanilang sagot.
Ang kapatid ni Ivana na si Mona Alawi ang naatasang magtanong sa kanila.
Isa sa mga tanong kay Ivana ay “ikaw ba ay nanira ng pamilya?”
Mabilis na sagot ng aktres, “no.”
Ang resulta ng lie detector machine ay ‘truth.’
Paliwanag ni Ivana, “hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect family, kasi kami nga, broken family. Ano ‘to, tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala, eh.”
Naging talk of the town nga kamakailan ang pagkakadamay ng pangalan ni Ivana sa sa reklamong Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na inihain ni Dominique “Nikki’ Benitez laban sa asawang si Cong. Albee Benitez.
Sa isinumiteng sworn statement ni Nikki ay nakasaad na may ‘illicit relationship’ sina Cong. Albee at Ivana.
Kaagad namang pinabulaanan ng kampo ni Albee ang mga alegasyon ng kanyang asawa.
Bago pa ito ay nali-link na si Ivana kay Cong. Albee at nilinaw na rin naman niya ito sa isa niyang post at sinabing wala siyang sinisirang pamilya.
Daniel, nominado sa Seoul International Awards!
Tiyak na tuwang-tuwa ngayon ang fans ni Daniel Padilla dahil sa bagong achievement ng aktor.
Nominated si DJ bilang Outstanding Asian Star sa 20th Seoul International Awards para sa kanyang pagganap as Andres Malvar sa hit ABS-CBN action-drama series na Incognito.
Ang naturang magandang balita ay inanunsyo ng Star Magic sa kanilang social media page.
“A nomination as SUPREME as his title! Rooting for your victory as ‘Outstanding Asian Star’ in this year’s Seoul International Drama Awards,” ang pahayag ng management ni Daniel.
Ang magwawagi sa Outstanding Asian Star ay ibabase sa fan voting.
Nakatakdang ganapin ang Seoul International Awards awarding ceremony sa Oct. 2, 2025 sa KBS Hall sa Yeouido, Seoul, South Korea.
- Latest