Max, inilantad ang jowang spanish businessman?!

Bongga si Max Collins.

Pinag-uusapan nga diumano’y nag-hard launch na siya sa karelasyong rich Spanish businessman.

May isang reliable source na nga ang nagkuwento na in a relationship na diumano si Max.

Isang rich Spanish guy nga raw ang bagong karelasyon ng Kapuso actress na madalas ngayon sa abroad base sa kanyang mga post sa social media.

Legally separated na sila ng ex-husband niyang si Pancho Magno base sa kanyang interview noong October 2024.

Si Max ang nag-file ng divorce dahil isang American citizen ang actress.

Aktres, quickie lang ang relasyon sa bilyonaryo!

hh big time businessmen pala ang target ng ilang sexy celebs na naghahanap ng jowa.

Yup, kaya kung mapapansin daw ang mga post ng mga ito, pulos mga kaseksihan.

May ilang sumasakses daw like itong isang magaling na actress.

Nagkaroon daw pala ito ng quick relationship sa isang mi­yembro ng mga mga bilyonaryo.

Pero ‘yun nga, two months lang daw ang itinagal ng relasyon ni actress sa nasabing miyembro rin ng ultra-rich family.

Ayaw raw kasi ng mga magulang ng lalaki ang nasabing not so young actress. Kaya nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila.

Pero hindi raw nag-give up ang actress ayon pa source hangga’t hindi nakakahanap ng perfect guy for her.

Luckily, nakahanap daw ng lalaking pinapangarap ang aktres.

Isang mayaman at mabuting tao raw ang karelasyon ngayon ng aktres.

Well, try and try until you succeed na naganap nga.

Barbie, napaikot ang tanong tungkol sa lovelife

“Always choose yourself. Ikaw muna, bago ‘yung ibang tao,” sabi ni Kyline Alcantara kahapon sa media launching ng revenge drama series, Beauty Empire.

Ito raw ang natutunan niya kay Ruffa Gutierrez na kasama nilang bida ni Barbie Forteza na ang ibang eksena ay kinunan pa sa South Korea.

“Every time you get lost, hanapin mo ang sarili mo,” dagdag pa ni Kyline na nanahimik nang magkaroon ng matinding kontrobersiya sa breakup nila ni Kobe Paras.

Walang kahit anong sinabi si Kyline sa mga intriga noon. Ito na kaya ang mantra niya noon pa that time?

Anyway, inamin niya rin kahapon na matagal na talaga niyang gustong makatrabaho si Barbie.

Matindi ang kanilang tapatan sa nasabing palabas na kasalukuyan nang napapanood sa Viu. Kagabi ay episode 2 na sila.

Ang Beauty Empire marks a significant collaboration between three powerhouses in the media industry GMA Network, Viu and CreaZion Studios na bagong Filipino story na tiyak na maraming makaka-relate.

Sesentro ang kuwento kay Noreen Alfonso (Barbie), a rags to riches beauty entrepreneur na handang pabagsakin ang mga kaaway. She goes head-to-head against Shari De Jesus (Kyline), a crass but social media famous beauty CEO na mentored by Velma Imperial (Ruffa Gutierrez) na idolo ni Noreen sa mundo ng pagpapaganda.

“Ang istorya po namin ay punung-puno ng puso at pagmamahal sa pamilya. With fashion and beauty at its core, we will tackle murder mystery, love for family, and revenge,” sabi ni Barbie.

Ibinahagi rin niya ang naging karanasan sa kanilang shooting sa South Korea.

“Sobrang saya, Challenging siyempre kasi unfamiliar territory, so hindi siya as comfortable as when we shoot here in the Philippines. Pero masaya kasi first of all, lahat talaga very efficient,” dagdag ni Barbie na umaming masaya ang puso sa kasalukuyan at wala talagang nakalusot sa kanyang tanong tungkol sa isyu sa breakup nila ni Jak Roberto.

Kahit pa paikot-ikutin ang tanong sa kanya, wala talaga siyang sinagot at pilit niyang naikonek sa Beauty Empire.

Mapapanood naman beginning July 7 ang Beauty Empire sa GMA Primetime, Mondays to Fridays at 9:35 p.m.

Show comments