Gerald, nili-link kay Vanie!

Gerald

‘Kaloka na nili-link daw si Gerald Anderson sa isang volleyball player na nagngangalang Vanie Gandler.

Ilang buwan na ring binabantayan ng mga marites ang actor na madalas daw mamataang nanonood ng laro ng volleyball player mula pa diumano nakaraang taon.

At ngayon nga ay umiingay pa rin ang tungkol sa diumano’y panliligaw ni Gerald sa atleta.

Pero tinanggi naman na kamakailan ni Gerald ang diumano’y hiwalayan nila ng girlfriend na si Julia Barretto habang tahimik lang ang aktres tungkol dito.

At ang nakakaloka ay may hawig ‘yung Vanie kay Julia at pati na rin daw sa tiyahin nitong si Gretchen Barretto.

Kung totoo man nga raw ay parang pabata raw ang gusto ni Gerald.

‘Kaloka.

Depensa naman ng mga follower ng Kapa­milya actor ay sumusuporta lang ito sa team noon na doon daw pala nagte-train sa gym nito.

Hindi rin naman daw ito ang unang beses na may na-link kay Vanie dahil kahit sino raw mga celeb ang nanonood sa laro nito ay nili-link sa kanya kaya huwag na raw malisyahan ang panonood ni Gerald.

Baka naman promo lang din daw ito sa te­leserye ni Gerald?

Well, ano nga bang pake ko sa kanila. ‘Kaloka sila.

Bong, ‘di bibitiw sa pagtulong

Alam ko na malungkot si Bong Revilla sa naging resulta ng eleksiyon. Pero dahil focused pa rin siya sa mga ginagawa niyang projects na makakatulong sa lahat na puwedeng tulungan kaya alam niya na mahal pa rin siya ng tao.

Hindi kailan man nagbago ang ugali ni Bong. Kung ano siya noon, siya pa rin ang tao na tutulong sa iyo ngayon.

Isang araw lang ang eleksyon. Kung anuman ang resulta nito hindi kahulugan na ito na ang desisyon ng lahat. Makikita nila kung anuman ang naging pagkakamali habang dumaraan ang araw at ginagawa na ang mga dapat gawin.

Doon na nila makikita kung nagkamali o tama ang pinili nila. You can never put a good man down. Tiyak na in the end, makikita nila kung alin ang tama o mali. Tuluy-tuloy lang ang buhay kaya sana talagang magawa ng elected officials ang mga dapat gawin.

Ganun.

Show comments