MANILA, Philippines — May pa-coffee joy si Atasha Muhlach sa mga tagahanga sa buong bansa sa pamamagitan ng Jollibee Coffee Blends Pop-up.
Sinimulan ito sa isang surprise event sa Jollibee E. Rodriguez, kung saan pinasaya ang mga customer sa libreng Iced Mocha at espesyal na pagbisita ng brand ambassador na si Atasha Muhlach.
Nakatakdang umabot ang nationwide pop-up booth sa mga central business districts, paaralan, transport terminals, at malalaking kaganapan, kung saan magtatayo ang Jollibee ng mga interactive na aktibidad na magbibigay ng pagkakataon sa mga customer na matikman nang libre ang masarap at rich na choco-coffee blend ng Jollibee Iced Mocha.
Bawat booth ay may kasamang masayang roleta, kung saan maaaring manalo ng exciting na premyo ang mga kalahok sa simpleng pagpo-post ng larawan mula sa event sa kanilang social media gamit ang hashtag #JollibeeCoffeeBlends.
Patok na patok sa mga customer ang surprise store visit, at ikinatuwa nila ang personal na pagkikita kay Atasha, na tumulong sa pamimigay ng libreng Iced Mocha kasama si Jollibee. Nagsaya ang mga bisita sa mabilisang selfie at masayang interaksiyon habang hinihikayat ni Atasha ang lahat na subukan ang paborito niyang Jollibee Coffee Blend.