Dingdong at Charo, may kilig ang lambingan

Dingdong at Charo

MANILA, Philippines — Ang galing-galing ni Dingdong Dantes sa pelikulang Only We Know.

Pinagbibidahan nila ito ni Madam Charo Santos na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules.

Kuwento ng ibang level ng pagmamahalan ang pelikula.

Si Dingdong ay isang biyudo rito na nahirapang tanggapin ang nangyari sa asawa na ginampanan ni Max Collins.

Habang si Charo ay hiwalay sa asawa at nag-iisang namumuhay.

Magkakaroon sila ng koneksiyon na hindi nila inasahang mangyayari.

Simple lang ang istorya pero mararamdaman mo ang mga eksena nila.

First time na nagtambal nina Dingdong at Madam Charo at in all fairness, andun ang kilig sa kanila.

Actually, nagmukhang mas bata si Ma’am Charo sa pelikula.
Dahil dun nagkaroon ng pag-asa ang mga malapit sa edad niya na pwede pa palang magkaroon ng isang lalaking pwedeng magmahal sa ‘yo nang wagas.

Anyway, ‘kakatawa naman ang post ni Dingdong na bumigay ang shoes niya habang nasa block screening.

Caption niya : “Ang gutom na shhhh#OnlyWeKnow.”

Ahh baka raw ‘yun ang lucky shoes ni Dingdong ‘pag may pelikula siya kaya suot niya.

May nag-react naman na ganun talaga ang mayayaman, may favorite shoes kahit ang dami nilang pambili.

Or baka naman daw matagal na ‘yung hindi nagamit ni Dingdong.

Anyway, open-ended ang Only We Know kaya umaasa ang mga naka-relate sa pelikula na baka magkaroon ng continuation ang kuwento ng pelikula.

Daniel, nagkaroon ng mainit na komprontasyon sa kapatid!

Mas tumitindi pa ang mga eksena sa action-thriller series na Incognito dahil sa mainit na komprontasyon sa pagitan ng magkapatid na sina Andres (Daniel Padilla) at Jun/Uno (Louise Abuel) at sa pamamaril kay JB (Richard Gutierrez) sa episode noong Lunes (Hunyo 16).

Buong linggong hinintay ng mga manonood ang nasabing paghaharap ng magkapatid dahil dito nalaman ni Andres ang matagal na niyang kinatatakutang katotohanan—na si Jun ay kasing-sama at tuso rin ng kumupkop sa kanya na si Manuel Aguinaldo (Joem Bascon).

Narinig nga ni Andres kay Jun ang planong pagpatay nito kay Sec. Josephine Barrios (Meryll Soriano). Matapos sugatan si Andres, tumakas si Jun at binalaan ang mga kasamahan tungkol dito. Sa kanyang planong pagtakas, nahabol siya ni JB na inutusan siyang lisanin ang lugar. Ngunit ang hindi inaasahan ni JB ay babarilin siya ni Jun nang malaman nito na kasama siya sa pumoprotekta kay Sec. Barrios.

Samantala, matagumpay na nailigtas ni Gab (Maris Racal) si Ninong (Bembol Roco) mula sa kapahamakan, na naging dahilan para bahagyang gumaan ang loob ni Tomas. Ngunit nananatiling nasa panganib ang buhay ng mga Kontraks dahil patuloy silang tinutugis ng mga tauhan ni Manuel Aguinaldo.

Matapos malaman ang katotohanan, ano kaya ang kahihinatnan ng relasyon nina Andres at Jun? Makaligtas kaya ang  Kontraks sa kanilang misyon laban sa tauhan ni Manuel?

Kasabay naman ng sunud-sunod na rebelasyon at umaatikabong eksena sa serye ay inilabas ng Star Creatives ang bagong official poster na nagpasilip sa huling kabanata ng serye. Lubos ngang kinasabikan ng netizens ang bagong teaser at talagang inaabangan ang susunod na mangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng Incognito.

Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa Incognito gabi-gabi, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Mapapanood din ito nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.

Show comments