Pokpok at sindikato na hinahanap ng Batang Quiapo, fake auditions!

Coco Martin
STAR/File

Naglabas ng public advisory kahapon ang Dreamescape Entertainment upang kontrahin ang mga kumakalat na fake auditions para sa FPJ’s Batang Quiapo.

Kesyo nangangailangan daw ang pinagbibidahang teleserye ni Coco Martin ng mga gaganap na pokpok (18 to 30 years old) na 50K ang talent fee habang ang sindikato role (20-35 years old) at 40k daw ang suweldo.

May ibinigay pa silang location ng audition.

At ang nag-share, mahigit 30,000 users.

Obviously nung nakarating ito sa kaalaman ng producer ng Dreamescape, sinabi nilang walang nagaganap na audition at fake auditions ito : “Fake Auditions for FPJ’s Batang Quiapo

“We warn the public against fake audition announcements circulating online for FPJ’s Batang Quiapo. All official casting calls are made only through ABS-CBN and CCM Film Productions.”

Maging vigilant dapat talaga sa social media para hindi maloko.

Show comments