^

Pang Movies

Coco at Julia, hinihintay ng mga taga-Kenya

Pang-masa
Coco at Julia, hinihintay ng mga taga-Kenya
Coco Martin and Julia Montes.
STAR/ File

Excited na sina Coco Martin at Julia Montes na makasalamuha ang mga Kapamilya sa Kenya para sa isang pang-malakasang meet-and-greet event upang personal na magpasalamat sa kanila sa panonood ng mga programa ng ABS-CBN.

Natutuwa at nagpapasalamat nga sina Coco at Julia na mapabilang sa makasaysayang event na Kapamilya Live in Kenya dahil ito ang unang beses na dadalhin ng ABS-CBN ang kanilang mga artista sa Africa.

“Excited na kaming mapuntahan ‘yung mga tao sa Africa na hindi namin ine-expect na nakakapanood ng aming trabaho at ating mga teleserye na ginagawa natin sa ABS-CBN,” sabi ni Coco sa panayam ng ABS-CBN News.

“Ang sarap sa pakiramdam na parang it’s time to give back and ma-appreciate ng mga tao na nanonood sayo. Ito ‘yung time naman na pasiyahin natin sila,” dagdag ni Julia.

Bukod sa iba’t ibang performances mula sa magkarelasyon, marami pang inihandang sorpresa ang ABS-CBN para sa Kapamilya Live in Kenya bilang pasasalamat sa ilang taong pagsubaybay ng mga taga-Africa sa mga Kapamilya teleserye tulad ng Walang Hanggan (My Eternal), Doble Kara, FPJ’s Ang Probinsyano (Brothers), at marami pang iba.

Hanggang ngayon, patuloy ang pag-arangkada sa Africa ng mga programa ng CocoJul dahil napapanood pa rin sa StarTimes channel ang action-drama serye ni Coco na FPJ’s Batang Quiapo (Gangs of Manila), habang ipapalabas ulit sa Hulyo ang romantic drama na Walang Hanggan (My Eternal) ng CocoJul, at ngayong Setyembre ang heavy drama na Saving Grace ni Julia.

Samantala, nakipag-partner ang ABS-CBN sa StarTimes, ang nangungunang digital TV operator sa Africa, at sa KTN, isa sa sikat na TV stations ng Kenya, para sa news coverage ng biyahe ng CocoJul sa Africa.

Anyway, mahigit dalawang dekada na palang umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa ang mga programa ng ABS-CBN. Ilan lamang sa mga napapanood dito ang Can’t Buy Me Love, Lavender Fields, What’s Wrong with Secretary Kim, Senior High, at iba pa.

ABS-CBN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with