^

Pang Movies

Zeinab Harake, pina-ban daw ang nanay sa kasal nila ni Ray

Pang-masa

Lahat talaga ay napabilib sa kasos­yalan ng kasal ng content creator na si Zeinab Harake sa basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Talagang kabog ang ibang celebrity wedding.

Pero totoo kaya ang pinag-uusapang pinagbawalan diumano ang ina ng content creator na si Mariafe Ocampo na papasukin sa reception ng kasalan?

Ikinasal sina Zeinab at Ray noong Hunyo 1 sa isang magarbong seremonya na ginanap sa Tagaytay.

Pero ‘yun nga, diumano’y hindi pinapasok ang ina nito kaya sa labas na lang ito kumain.

Gayunpaman, marami ang nagtaka tungkol sa kawalan ni Mariafe sa mga wedding clip na nagkalat.

Pati wedding gown kasi talagang, conversation piece.

Pero ayon sa nag-viral na post, nagkomento ang ina ng content creator ng “Ano po ang gagawin ko, di po ako pinapasok sa gate. Naka-ban po ako. Mahigpit na bilin ni Zeinab sa mga coordinator po then sa head guard.”

“Kaya uwi na lang po ako. Ano gagawin ko, pilitin ‘yung guard, nakipag-usap na nga po, di po talaga papasukin mother ni Zeinab. Yun po utos ni Zeinab sa kanila. Okay na po ba?” dagdag niya.

Andaming sikat na vlogger at celebrity ang dumalo sa nasabing kasalan kabilang na ang ang magkapatid na Toni and Alex Gonzaga kasama ang kanilang mga mister na si Direk Paul Soriano and Vice Mayor Mikee Morada.

Nauna na nga itong (ina) nag-post ng cryptic message sa kanyang Instagram stories.

Samantala, nag-post naman si Zeinab na “Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.” - 1 Corinthians 13:7,” kalakip ang wedding photos.

Makikita nga rin sa mga video na ang ama ng bagong kasal ang naghatid sa kanya at isang kapatid.

BOBBY RAY PARKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with