^

Pang Movies

Sam, hindi na nakaka-workout dahil sa diabetes!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sam, hindi na nakaka-workout dahil sa diabetes!
Sam

Kaloka, hirap na raw pala si Sam Milby na magpunta sa gym at isang beses lang daw ngayong taon siya nakapunta sa edad niyang 41.

At nilantad din niya na dalawang taon na raw siyang na-diagnose ng type 2 diabetes kaya sinusubukan pa rin niyang maging fit.

Pero hindi halatang hindi siya nakakapag-workout dahil may abs pa rin siya sa kanyang ini-upload na Instagram story.

Naloka nga ang mga follower niya na sa lagay na iyon ng katawan niya ay hindi sila makapaniwala na wala iyong workout.

Mukhang istrikto nga raw ito sa kanyang diet dahil na rin sa kanyang diabetes kaya na-maintain niya ang magandang pangangatawan.

Saka kung hindi nga naman iyon nagpupunta ng gym ay baka naman may home workout iyon noh dahil hindi naman siguro nito basta lang pababayaang mawala ang muscles niya lalo na at celebrity siya.

At hindi lang daw iyon, dahil wala raw sa hitsura nitong 41 years old na.

Nagulat nga sila na matanda na raw pala iyon.

Ang iba nga ay hindi akalaing may diabetes siya dahil hindi raw ito mataba.

Naku hindi ko kahit kailan makakalimutan si Sam.

Pero hindi ko sasabihin kung bakit.

Hahaha.

SAM MILBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with