Sofia, papasok na sa kolehiyo

Pagkatapos i-defend ni Sparkle teen star Sofia Pablo at ng kanyang groupmates ang kanilang thesis noong nakaraang buwan, binalita nito na officially ay ga-graduate na siya mula sa senior high school sa UST Angelicum College.
Pinost ng 19-year-old Kapuso Next Gen Leading Lady via Instagram ang kanyang kasiyahan na tapos na siya sa senior high school at bilang bonus sa kanyang sipag at tiyaga, tatanggap siya ng award.
Kahit naging busy siya sa taping ng kanyang pinagbibidahan na teleserye na Prinsesa Ng City Jail, hindi ito nagpabaya sa kanyang pag-aaral. Minsan daw ay dinadala niya sa taping set ang kanyang assignments at kapag break time ay pinagsasabay niya ang pag-aaral sa pag-memorize ng script.
Noong February naman ay nag-pictorial na ang teen actress para sa kanyang graduation photo.
Miss Grand… CJ Opiaza, surreal sa pagkapanalo
Naging emotional si CJ Opiaza sa naging crowning ceremony bilang Miss Grand International 2024 sa MGI Hall in Bangkok, Thailand.
Suot niya sa kanyang coronation ay dazzling green gown by renowned Filipino designer Mak Tumang.
Sa kanyang speech, hindi raw niya inakala na biglang natupad ang pangarap niya na maging international titleholder.
“This moment is so surreal right now. I was in the same place, months ago, competing for my country, the Philippines, and hoping to make you guys proud. I am just one of those hopeful candidates who wanted to bring pride to my country and I was able to bring home a first runner-up crown. And I’m really, really grateful to have been part of the roster of such amazing women from all around the globe, to be representing their country. And of course, of being an international ambassador of the Miss Grand International organization. This is a historic win for the Philippines.”
Anak nina Brad Pitt at Angelina Jolie, nagpalit ng pangalan!
Nagpalit na ng kanyang pangalan ang anak nina Brad Pitt and Angelina Jolie na si Shiloh Nouvel Jolie-Pitt.
The 19-year-old would like to be called Shi Jolie. Tinanggal na niya legally ang Pitt noong mag-18 siya last year.
Sa launch ng collection ng designer na si Isabel Marant with Net-A-Porter ni-reveal ang bagong name niya.
Naging instant celebrity baby si Shi noong isilang ito in 2006 at nilagay agad sa cover ng People magazine.
Saksi ang marami sa paglaki niya dahil sa pagsama nito sa red carpet events ng kanyang parents kasama ang mga kapatid na sina Maddox, Pax, Zahara, Knox and Vivienne.
- Latest