^

Pang Movies

Mister ni Maja, naghamon sa bashers ng anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mister ni Maja, naghamon sa bashers ng anak
Maja, Maria at Rambo

‘Kaloka na napa-react na raw ang mister ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez dahil sa mga pinagsasabi ng mga basher.

Ipinost nito ang screenshot ng istorya ng isang entertainment news website kung saan tungkol ang istorya sa hindi nila pagpapakita ng mukha ng kanilang anak na si Maria sa publiko.

Sey ni Rambo, puro raw mga bastos ang nasa comments section, na pangunahing rason kung bakit mas gusto nila gawing pribado ang anak nila.

Dagdag pa niya ay sey raw ng mga basher ay wala silang pake pero kabaligtaran daw ng mga komento ng mga ito.

Kaya hamon niya sa mga basher, “I dare you to say it straight to my face if you see me!”

Panawagan pa nga niya sa website ay sana raw hindi nito kunsintihin ang mga ganung klaseng online bullying sa mga post dahil hindi raw talaga katanggap-tanggap.

At sa mga kaibigan nga raw niya, “kindly take note of these people!”

Ang lala nga talaga ng mga basher na talagang walang pinalalagpas kahit mga baby na wala pang muwang ha.

Nakakaawa nga ang mga anak ng mga celebrity na pati sila ay dinadamay ng mga ito.

Kaya mukhang mas ok nga raw talaga ang deisyon ng mag-asawa na huwag na lamang ipakita si Maria sa publiko para mas tahimik pa ang buhay nito.

At para rin mabawasan ang stress nila.

MAJA SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with