Init ng katawan ng hunk actor, tinanggihan ng model!
Umiiral pa rin daw ang kalandian ng isang aktor na hunk pa naman ang dating at pinagpapantasyahan pa rin!
Eh kahit hinihinalang puwede sa girl at puwede sa boy ang hunk actor, mas lamang nga lang na lalaki ang gusto niya.
Sa isang series, nakasama ni hunk actor ang isang dating male model turned actor. Guwapo siya nung bata-bata kaya marami ang nagkagusto sa kanya.
Pero hindi niya masyadong sineryoso ang showbiz kaya naman medyo pinaglipasan na ng panahon nung pumasok sa showbiz.
Support lang siya madalas at low-key na. Pero nang makasama siya ng hunk actor, kinilala niya si supporting actor.
Wala namang bahid ng pagdududa sa supporting actor. Pero nung katagalan ng kanilang series, naku, lumabas na ang kalandian ng hunk actor at nagpaparamdam na!
Eh dahil matagal sa modeling world at pati na rin sa showbiz, tumanggi ang supporting actor sa gusto ng hunk actor. Sinabi ni supporting actor na lipas na siya at trabaho na lang ang gusto.
Sa pagtanggi ng supporting actor, hindi na nangulit pa si hunk actor at sa iba na lang ibinaling ang init ng katawan!
Entertainment industry, sunud-sunod ang pagluluksa
Naku, tatlo na ang namatay sa mundo ng musika – Pilita Corrales, Hajji Alejandro, at ang latest ay si Freddie Aguilar! Tama na!
Hopefully, matagalan bago may sumunod na OPM icon na pumanaw.
Eh sa mundo ng pag-arte, magkasunod sina Nora Aunor at Ricky Davao na pumanaw. Isama na natin ang character actor na si Amay Bisaya na sumakabilang buhay na rin.
Sana eh may magsagawa ng dasal sa showbiz upang ipanalangin ang lahat ng pumanaw at ipagdasal din ang may sakit at matigil na rin ang sunud-sunod na namamatay sa mundo natin.
- Latest