Anne, naloka sa ilog Pasig!

Bigla raw nalungkot si Anne Curtis habang nasa eroplano siya nang wala siyang makitang berde sa lupa na ang tinutukoy ay mga puno.
Sey pa nga niya ay “What a dream it would be if the Pasig River was clean and safe to swim in.”
Pero natuwa naman siya agad nang makakita siya ng green sa bahagi ng Quezon City.
Ang dami ngang naiisip ni Anne habang nasa ere na nagtaka pa raw siya kung ano ang nakikita niyang itim sa isang parte ng Pasig River.
Marami nga sa mga follower niya ang nalungkot at nadismaya sa mga litratong pinost ni Anne.
Sumang-ayon nga sila na nakakakilabot nga raw ang tambak ng mga basura.
May mga taga-Pasig nga na nagsabi na ang init nga raw talaga roon na halos sa lahat naman na ng lugar ngayon ganun na.
Wala na nga kasing masyadong mga puno at puro building na rin ang nasa paligid.
Kaya may nanawagan kay Pasig City Mayor Vico Sotto na sana nga raw ay mapagtuunan ng pansin ang kawalan ng mga puno.
Sa totoo lang, kahit naman anong gawin ng mga namumuno, kung wala namang ginagawa at disiplina ang mga tao ay balewala rin.
Dahil nga raw sa post ni Anne ay baka sakaling mapagtuunan na ng pansin ang mga problemang ito.
‘Kaloka.
- Latest