^

Pang Movies

Kylie, hindi nakalakad ng tatlong buwan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kylie, hindi nakalakad ng tatlong buwan!
Kylie Padilla

Nanawagan si Kylie Padilla na magkaroon ng paid maternity leave para sa lahat ng mommies na manganganak or kapapa­nganak pa lamang matapos niyang makita ang balita tungkol sa isang ina sa Bulacan na sinunog ang kanilang bahay dahil diumano sa postpartum depression.

Ipinost ni Kylie ang naturang balita sa kanyang Facebook page at nilagyan ng hashtags na “#PAIDMATERNITYLEAVE” at “#POSTPARTUMDEPRESSIONAWARENESS.”

Sa sumunod niyang post ay ini-reveal niya ang kanyang pinagdaanan nang ipanganak niya ang panganay at bunsong anak nila ni Aljur Abrenica na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

“My last post is very personal to me. After giving birth to my 2nd son I also suffered and still suffer from complications of childbirth or “binat” as they call it,” simula ng aktres.

Aniya ay nagkaroon ng mga komplikasyon sa kanyang health na akala raw niya ay hindi na siya makaka-recover.

“There were also complications in my spinal cord injection. I could not walk for about 3 months without my lower body shaking and headaches, nerve pain and over fatigue.

“I also struggled with breastfeeding my 2nd because he could not suck as well as my first. So all the stress anxiety and body pain ABSOLUTELY TOOK A TOLL ON MY BODY. I NEVER THOUGHT I WOULD EVER RECOVER. I never thought I would ever get passed that dark place that I was in. My support system then was also lacking,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa aktres, siya raw ay may savings kaya nakaya niyang suportahan ang sarili at maka-recover. Pero paano na raw ang ibang ina na walang panggastos sa mga pangangailangan after giving birth.

“Mahirap iexplain sa mga hindi nakakaintindi ng “binat.” ANYWAY THIS POST IS NOT ABOUT ME. I had savings I had the ability to support myself. But not all moms have this,” she said.

Kaya naman ipinu-push niya ngayon na magkaroon ng paid maternity leave at postpartum depression awareness sa bansa.

“So I am urging please push #PaidMaternityLeave AND #postpartumdepressionawareness. Mothers deserve time to rest their bodies and minds after childbirth. They deserve to be able to take care of themselves as well as their children,” pahayag ng aktres.

Sey pa niya, “We need a world where everyone feels supported!!!! So our moms can better take care of our children!!!!!”

Sofia, binawi ang kwalipikasyon sa P.A!

Pinaglaruan ng netizens ang latest post ni Sofia Andres na nagsasaad ng requirements niya for a personal assistant (P.A).

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ng aktres na hiring daw siya ng personal assistant at inisa-isa ang mga qualification na nais niya para sa nasabing posisyon.

Nag-viral kaagad ang post ng aktres at ini-repost ng ibang netizens sa social media. Umani nga agad ito ng sari-saring reaksyon.

Maya-maya ay nag-post ulit si Sofia at mukhang nabasa na ang mga reaksyon ng netizens. Aniya in Cebuano, “makalagot uy! Walay sense of humor… chill ra!” (Translation: Nakakainis uy! Walang sense of humor… chill ka lang).

Hayun naman pala, mukhang joke lang naman ang tungkol sa P.A. requirement ni Sofia.

 

KYLIE PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with