^

Pang Movies

Birthday ni Nora, binaha ng pagbati sa Heaven!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang birthday gree­tings ni Lotlot de Leon sa mom niyang si Nora Aunor na birthday kahapon, May 21, at kung nabubuhay pa ay 72 years old na sana. Sa kanyang IG story, nag-post si Lotlot ng carousel of photos of her mom, karamihan ay solo pics at mayroon pang magkasama sila from Nora’s fans.

Heartwarming ang messages ng fans at nakakagulat malaman na may mga bagong Noranians at inamin nilang naging fan sila ng Superstar kung kailan hindi na ito masyadong active.

“Happy birthday in heaven, mommy! I will always love you,” sabi ni Lotlot.

Marami rin ang bumati sa birthday ni Nora sa Instagram ni Lotlot na ipinakita ang flowers sa puntod nito na may tombstone na. Simple lang ang nakasulat na “Mommy” at may sketch ng Superstar.

Sa marker ni Nora sa Walk of Fame sa Eastwood City, may Noranians na nagpunta at nagsabog sila ng rose petals sa marker nito. May photo nito at malaking pangalan na flowers ang ginamit.

Ang daming fans sa Eastwood at dumating si John Rendez at pinasalamatan nito ang mga dumating to celebrate Nora’s birthday. Pinasalamatan din siya ng Noranians sa pakipag-celebrate sa kanila.

David, sabik na kay Barbie!

Sa interview kina Barbie Forteza at David Licauco sa fan meet ng ini-endorse nilang brand ng toothpaste, nagparinig ang aktor na gusto niyang mag-guest sa nasabing series.

“Maggi-guest yata ako sa iyong teleserye,” sabi ni David na sinagot ni Barbie ng “Gusto mo ba?” Sagot ni David, “Puwede naman, depende sa’yo.”

Ikinatuwa ito ng BarDa fans lalo at matagal na nilang hindi napapanood na magkasama ang favorite love team nila. Pero, mas gusto ng mga ito na sila ang mga bida sa series at hindi lang basta guest ang actor.

Nabuhayan nga ang BarDa fans sa pahabol ni Barbie na maraming aabangan ang fans nila this year. “Hopefully, hopefully a movie this year.” Umaasa ang fans na ang remake ng Moments of Love ang kanilang pagtatambalan.

Anyway, hanga si David sa 16K na tinakbo ni Barbie sa charity fun run ng Mowelfund at Myriad Corporation. Nakikita raw niya ang determinasyon ni Barbie to be fit at pagiging active sa sports.

Samantala, sa rami ng projects ni Barbie, mauuna siyang mapapanood sa Beauty Empire at sa horror thriller na P77.

Boses ni Derek, wa epek sa anak

Ang cute ng pinost na reels ni Derek Ramsay na karga ni Elias ang baby girl nila ni Ellen Adarna na si Lili. Maririnig ang voice-over ni Derek na “My babies” at ang caption naman ng post nito ay “So blessed. Love you kiddos.”

Aliw ang expression ni Lili na para bang confused sa nangyayari sa kanyang paligid. May nag-comment na kamukha siya ni Ellen, may nagsabi naman na si Derek ang mas kamukha nito, lalo na ang mga mata.

Halos pare-pareho ang comment na cute ang magkapatid at cute si Elias habang karga ang baby sister niya.

Natuwa rin ang followers ni Derek na tila unsuccessful silang patawanin si Lili dahil hindi talaga siya tumawa at kahit ngumiti.

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with