^

Pang Movies

Ogie, may pangarap na ‘di natupad!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ogie, may pangarap na ‘di natupad!
Ogie

Pinangarap din ng mga magulang ng OPM King, ang singer-songwriter, actor-comedian, host at concert producer na si Ogie Alcasid na siya’y maging abogado pagtungtong niya ng college pero hindi ito natupad dahil mas binigyan ng mister ni Regine Velasquez ng focus ang kanyang singing and songwriting career na sa kalaunan ay sinuportahan din ng parents nito.

“Nang makita ng dad ko na ang interest ko ay nakatuon sa pagkanta at pagku-compose, sinuportahan niya ako maging ng mom ko,” kuwento ni Ogie.

“In fact, both of my parents ay parehong proud kung anuman ang narating ko,” aniya.

“My dad was my hero,” deklara ni Ogie.

“When he passed on, para akong nawalan ng pakpak. He was so caring and a very supportive father,” dugtong pa ni Ogie.

“Kung paano niya kaming mga anak inalagaan ay siya ring ginagawa ko sa mga anak ko,” diin pa niya.

Si Ogie ay may dalawang anak sa kanyang ex-wife, ang Australian former beauty queen na si Michelle van Eimeren na sina Leila at Sarah at isa naman sa kanyang present wife na si Regine Velasquez na si Nate.

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with