Sofia, manlalait?!

‘Kaloka na na-bash daw si Sofia Andres dahil sa post niya na naghahanap ng personal assistant o PA.
Sey nito, “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule). Must be 10 steps ahead, stylishly sharp, and allergic to ‘I forgot.’ Think that’s you? Slide into the inbox – applications open, excuses closed.”
Tinawag siyang OA ng mga basher na porke raw nakapangasawa ng mayaman na si Daniel Miranda na mula sa pamilya ng mga Lhuillier.
Teka, kinasal na ba sila?
Grabe ang pamba-bash sa kanya na sino raw ba si Sofia sa tingin niya na akala raw sinong edukado.
Pati ang email niya na [email protected] ay na-bash pa dahil sa ‘the.’
Sinabihan pa siya ng mga ito na hindi hands-on sa daughter nilang si Zoe na tuwing magti-TikTok lang naman daw kasama ang anak.
‘Kaloka rin ang mga basher na parang lagi nilang kasama si Sofia ha.
Kinumpara pa siya kay Heart Evangelista sa pagka-busy nito para maghanap ng PA.
May dumepensa naman kay Sofia na diretsahan lamang ito na ayaw niya ng PA na makakalimutin, slow at mahiyain na may go-getter attitude raw.
Hindi naman daw iyon mukhang nagmamataas o nagyayabang.
Baka joke lang naman ni Sofia ‘yon at ‘di lang na-gets ng bashers.
‘Kaloka.
- Latest