^

Pang Movies

Mayor Vico, hindi komportable ‘pag tinatanong tungkol sa babae

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mayor Vico, hindi komportable ‘pag tinatanong tungkol sa babae
Vico Sotto
STAR/File

Halata raw na hindi komportable si Pasig City Mayor Vico Sotto tuwing iniintriga siya tungkol sa kanyang lovelife.

Naisingit na tanong sa kanya sa isa niyang interview ay hindi raw ba pumasok sa isip ng pulitiko na humanap ng mag-aalaga sa kanya kagaya ng pagtimpla nga ng tsaa lalo na nga at paos ito nung araw na iyon.

Para raw kasing napapabayaan nito ang sarili dahil sa sobrang subsob sa trabaho.

Kelan daw ba ito mag-aasawa at kumusta nga ba ang puso nito.

Sinagot naman ito ng anak nina Coney Reyes at Vic Sotto at sinabing ok naman daw ang puso niya at gaya nga raw ng lagi niyang sinasabi, darating naman daw iyon.

Inamin naman niya na nasobrahan talaga siya sa trabaho sa nakalipas na anim na taon.

Wala naman daw kasi talagang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya kundi taumbayan kaya wala raw talaga siyang masagot.

‘Kaloka na hindi talaga nawawala ang tanong tungkol sa pag-aasawa niya tuwing may pagkakataon.

Ayaw talaga siyang tantanan tungkol sa lovelife niya.

Hirit nga ng mga follower ng mayor ay ibalato na lang sa kanya ang kanyang private life.

‘Wag na raw pwersahin si Mayor Vico sa pag-aasawa dahil siguradong malalaman din naman ng lahat iyon kung meron na talaga siyang girlfriend noh.

VICO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with