^

Pang Movies

Cassandra Ynares, sinagot ang panliligaw ni Bimby!

Gorgy Rula - Pang-masa
Cassandra Ynares, sinagot ang panliligaw ni Bimby!
Charlie at Cassandra
STAR/File

Nahihiya pa ang panganay na anak nina Mayor Jun Jun at Andeng Ynares na si Cassandra Ynares na sumagot sa mga isyung showbiz, lalo na’t na-link ito sa bunso ni Kris Aquino na si Bimby Aquino.

“No!” ang sagot niyang nang diretsahan kong tinanong kung nanliligaw ba si Bimby sa kanya.

Nakatsikahan ko si Cassandra sa 2025 Antipolo Maytime Festival noong Sabado na kung saan nagparada siya sa Streetdancing kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab evictee na si Charlie Fleming.

Tuwang-tuwa ito kay Charlie, na kaagad silang nagkasundo dahil may common friends pala sila, kaya super tsikahan silang dalawa, hanggang sa niyaya pa niyang mag-dinner si Charlie.

Sabi naman ni Cassandra, friends lang daw talaga sila ni Bimby at magkasundo raw sila.

Thankful din siya kay Kris Aquino na napakabait daw sa kanya. “Very grateful po that Tita Kris likes me like that. Thank you,” pakli ni Cassandra.

“It’s really an honor that she said so much about me. But yeah! Wala lang po. I don’t know what to say except I’m really flattered.

“I actually visited her a couple of days ago,” dagdag niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Kris nang dinalaw niya ito. Ano ang mga sinabi sa kanya. Kasi nabanggit noon ni Kris na meron daw siyang paboritong girl para kay Bimby. Si Cassandra kaya ito?

“Puwede ba secret na lang?” parang nahihiya pang sagot ni Cassandra.

Hindi naman daw nila pinag-uusapan ni Bimby na nali-link silang dalawa.

“You know, what you see, don’t always believe.

“Don’t believe what you see online. But, yeah! We’re just really close and it’s so nice to have a friend in that industry as well,” pakli ng 17-year-old daughter nina Mayor Jun at Andeng Ynares.

Na-enjoy naman daw niya ang friendship nila ni Bimby.

Sa ngayon ay naka-focus muna si Cassandra sa kanyang pag-aaral dahil kaila­ngan muna niyang tapusin ang pag-aaral niya bago niya pag-isipang mag-showbiz.

Pero tumutulong siya sa ilang projects ng kanyang ama para sa Antipolo.

Charlie, inaming may nami-miss na housemate

Noong Sabado nga ng gabi na kasama namin si Charlie Fleming sa Antipolo ay ina-announce na sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab ang pagtatapos ng botohan sa anim na evicted housemates, kung sino ang makakabalik sa Bahay Ni Kuya.

Tig-tatlo ang pinagpilian mula sa Kapamilya at Kapuso housemates, at isa roon si Charlie.

Pero hindi na inaasahan ng young star ng Sparkle na siya ang makakabalik dahil hindi naman daw niya talaga kinarir ang pagboto.

Pinromote raw niya ito sa kanyang social media account, pero ayaw naman daw niyang i-encourage ang supporters niya na gumastos para makakuha lang siya ng pinakamaraming boto.

Nami-miss daw niya ang mga housemate na naiwan sa Bahay Ni Kuya, pero meron siyang isa sa talagang na-miss daw niya.

“Oh my God ang dami! Na-miss ko po talaga silang lahat. But I really do miss po… si Brent.

“Kahit ngayon po itanong sa akin, si Brent pa rin po ang nami-miss ko.

“He’s my kuya. He’s really my kuya. Parang ‘yung tipong I can be alone with him and that’s okay na. ‘Yung ganun.

“We don’t really talk too much to understand each other.

“He’s just very easy to please po. He understands, and he listens to me,” sabi nito.

Masaya rin siya sa na-achieve niya sa PBB, at marami raw talaga siyang natutunan nung nasa loob siya sa Bahay Ni Kuya na naa-apply na niya ngayon sa labas.

“When you’re locked inside the house with different people from different battles, I think you get to learn them. You really get to know them kasi, knowing that wala kaming cellphone, we’re just fully in there with the people po.

“I learn that not everyone’s gonna really understand me. It’s gonna take time to build relationship with them,” saad ng young actress.

CASSANDRA YNARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with