^

Pang Movies

Coco at Julia, chika-chika sa bf ni Bea

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Coco at Julia, chika-chika sa bf ni Bea
Julia, Coco at Vincent
STAR/File

Nakita sa Puregold convention na kausap nina Coco Martin at Julia Montes si Vincent Co, anak ng owner ng supermarket chain at nali-link kay Bea Alonzo ngayon.

Dumalo sina Coco at Julia dahil sa mga endorsement nila sa mga produktong itinitinda sa nasabing event.

Pero as usual dahil nakitang kausap nila Coco si Vincent, ang hula ng netizens, may pini-pitch na business sila Coco.

May ilan namang netizens na nagsabi na nung nakaraang charity fun run ng Mowelfund at Myriad Corporation ni Alden Richards, hindi lang tumakbo si Julia, may food stall din siya sa venue.

Jennylyn, may pa-birthday sa mga sawi

Pa-birthday gift ni Jennylyn Mercado sa kanyang fans ang bagong single niyang Hindi Pa Rin Sapat released last Friday (May 16), a day after her birthday. Kahit malungkot ang tema ng song na tungkol sa sakit at panghihinayang sa isang nawalang pag-ibig, masaya pa rin ang fans ng aktres dahil narinig na uli nila itong kumanta.

Theme song daw ng mga brokenhearted o mga sawi sa pag-ibig ang song recorded and released under Star Music at available na sa lahat ng streaming platforms. Maganda ang feedback ng fans at casual fans sa single niya at nagtataka nga sila kung bakit tumigil siyang mag-recording at kumanta. Pati nga ang vlog nila ni Dennis Trillo kung saan nagko-cover sila ng songs, itinigil ng dalawa.

Hindi rin makakalimutan ng fans ang single ni Jennylyn dahil naging daan ‘yun para maging controversial si Dennis na later on, ipinaliwanag at nilinaw naman nito ang totoong nangyari.

Anyway, inaabangan na rin sa June 23 ang reunion series nina Jennylyn at Dennis na Sanggang Dikit at teaser pa lang, nagustuhan na ng viewers.

Nalaman nila na puwede pala sa action si Jennylyn na in fairness, nag-training ng shooting para maging natural ang paghawak niya ng baril, lalo na ang pagpapaputok.

Rayver, wala pang regalo kay Julie Anne

Pinadalhan ng bouquet of flowers nina Dingdong Dantes at Marian Rivera si Julie Anne San Jose sa birthday ng singer-actress noong May 17.

Hindi matandaan ng fans kung paano siya naging close sa DongYan, wala silang matandaang show na kanilang pinagsamahan. Sina Julie at Dingdong ang nagkasama sa The Voice Generations, kung saan, si Dingdong ang host at isa si Julie sa mga judge.

Inaabangan pa rin ng fans ang physical birthday gift ni Rayver Cruz kay Julie dahil ang alam ng fans, nagpapalitan ng mamahaling regalo ang dalawa sa birthdays nila at kapag Pasko.

Samantala, marami na namang pinahanga si Julie sa birthday performance niya sa All-Out Sundays kahapon. Si Iza Calzado napa-comment ng “Husay mo talaga!!!”  sabi ni Barbie, “Nag-iisa” at sinundan ni Rayver ng “Grabe love idol!”

COCO MARTIN

JULIA MONTES

VINCENT CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with