^

Pang Movies

Mutya... at Totoy..., ile-level up ang pinoy storytelling!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pang-masa
Mutya... at Totoy..., ile-level up ang pinoy storytelling!
,Andres Muhlach atAshtine Olviga
STAR/ File

Todo ang sayang hatid ng TV5 sa mga bagong weekend and early primetime offerings na hitik sa blockbuster lineup ng mga nagbabalik at pina-bonggang fan favorites at mga bagong programang inaabangan ng maraming manonood.

Simula ngayong weekend, nagbabalik na ang Emojination sa ika-lima nitong season na siguradong emoji-filled sa saya at katatawanan tuwing Sabado ng 5:30 p.m.

Ang OG bida-oke ng bansa na Sing Galing ay twice a week nang mapapanood—tuwing  Sabado ng 6:15 p.m. at Linggo ng 6:30 p.m.—para sa nag-uumapaw na katatawanan para sa buong pamilya.

Huwag ding palampasin ang comeback ng Masked Singer Pilipinas sa ikatlong season nito. Double the mystery nga at MASKED pinasaya ang kantahan at hulaan tuwing Sabado ng 8:30 p.m. at Linggo ng 8:45 p.m.

Dagdag excitement din ang bagong Primetime Primera block mula Lunes hanggang Biyernes, na magsisimula ngayong Mayo 19. Ito ang bagong tambayan ng mga pri­mera-klaseng programa na tatatak sa puso ng manonood.

Bubungad sa bagong Primetime Primera tuwing 5:30 p.m. ang Una sa Lahat, isang makabagong news program na anchored ng seasoned at award-winning journalist na si Jiggy Manicad. Hatid ng programa ang most important headlines for the day—live at real-time, mula mismo sa pinangyayarihan ng mga balita.

Kasunod nito ang primetime newscast na Frontline Pilipinas ng 6:00 p.m. na patuloy na naghahatid ng mapagkakatiwalaan, makabuluhan, at napapanahong balita para sa bawat Pilipino.

Ang viral at trending youth series na Ang Mutya ng Section E ay mapapanood na rin sa telebisyon simula May 19 ng 6:45 p.m. Tampok dito ang mga fresh at fast-rising stars na sina Ashtine Olviga, Andres Muhlach, at Rabin Angeles na handa nang dalhin ang kilig, riot, at feels ng hit online series sa free TV!

Hindi rin pahuhuli ang primetime action drama na Totoy Bato na pinagbibidahan ni Kiko Estrada, dala ang intensity at laban para sa hustisya, napapanood tuwing 7:15 p.m.

Ang Totoy Bato at Ang Mutya ng Section E ay original production ng MavenPro, ang joint venture ng Viva Entertainment at MediaQuest group—isang malaking hakbang para iangat ang Filipino storytel­ling sa TV5 sa pamamagitan ng mga de-kalidad na mga programa.

Sa kombinasyon na ito ng reality, news, at drama, hindi lang pinalalakas ng TV5 ang weekend lineup, kundi nagbubukas din ito ng bagong yugto para sa early primetime programming. Sa Primetime Primera, ipinapakita ng Kapatid network ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng primera klaseng news and entertainment tampok ang original and relatable content na naglalapit sa puso ng bawat Pilipino, saan man sila sa mundo.

TV5

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with