^

Pang Movies

Rico, nagluluksa rinnagluluksa rin

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rico, nagluluksa rinnagluluksa rin
Rey at Rico Blano
STAR/ File

Nagluluksa raw ang singer-songwriter na si Rico Blanco sa pagkamatay ng kapatid na si Rey dahil sa skin cancer.

Kinumpirma raw iyon ng anak nito at ng drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta, na mister ni Jolina Magdangal.

Sa post nito ay sinabi nitong “Paalam, kapatid” na tinatawag nilang Kuya King, na 50 taong gulang pa lamang daw.

Maaalalang humingi pa nga ng dasal si Rico noong January nitong taong 2025 para sa paggaling ng nakababatang kapatid.

Napakabilis at napaka-agresibo nga raw dahil ilang lingo pa lamang noon mula nang malaman nila ang tungkol sa sakit nito pero ang bilis daw ng mga senyales noon.

Nagdesisyon pa raw sila noon na ibahagi iyon para makahingi ng tulong sa pagdarasal.

Umasa pa nga sila na malalagpasan nila ang pinakamahirap na laban pero hindi na nga kinaya ng kapatid niya.

Nagsimula rin agad ang treatment nito at nagdasal nga raw sila na hindi pa huli ang lahat.

Marami nga sa mga follower ni Rico ang nalungkot lalo na at sobrang close ng magkapatid na parang kambal nga raw sila dahil isang taon lang ang pagitan nila.

Sinabi pa nito na hindi niya kayang isipin na mawala ito.

REY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with