^

Pang Movies

‘Merika ni Nora, binalik!

Pang-masa

Ipinagmamalaki ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang premiere ng digitally restored version ng ‘Merika (1984) ni Gil Portes sa Metropolitan Theater sa May 18, 2025. Bahagi ang restoras­yong ito ng patuloy na pangako ng council na pangalagaan ang sining ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Philippine Film Archive.

Ang programa, na inihahandog sa pakikipagtulungan sa Mga Hiyas ng Sineng Filipino, ay nagsisilbi ring panimulang gawain para sa Pamanang Pelikula: Celebration of the Life and Works of Nora Aunor.

Handog ito ng FDCP bilang pagpupugay sa legasiya ng ating Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Ang Mga Hiyas ng Sineng Filipino ay isang kolaboratibong inisyatibo ng FDCP at National Commission for Culture and the Arts na naglalayong muling maipamalas sa big screen ang mga klasikong pelikulang Pilipino.

Ang ‘Merika ay isang pelikula tungkol sa kwento ng isang Pilipinang nars na namumuhay sa Amerika na tumatagos sa puso ng sambayanang Pilipino. Ipinapakita nito ang masalimuot na karanasan ng maraming Pilipino sa ibang bansa na kalungkutan at pangungulila tuwing malayo sa kanilang pamilya at bayan.

Bilang bahagi ng programa, muling mapapanood ng mga manonood ang dalawa pang klasikong pelikula ni Nora Aunor: Atsay ni Eddie Garcia at Tatlong Taong Walang Diyos ni Mario O’Hara.

Ang mga screening na ito ang magsisilbing panimula bago ang pangunahing tampok – ang premiere ng na-restore na ‘Merika. Magtatapos ang pagdiriwang sa isang makabuluhang talkback session kasama ang mga iginagalang na mga speaker na sina Doy Del Mundo, Bembol Roco, at Adolfo Alix, Jr., sa pangunguna ni Butch Francisco bilang tagapamagitan.

Ang screening ng ‘Merika ay kauna-unahang res­tored film premiere ng FDCP para sa taong 2025.

FDCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with