^

Pang Movies

Dennis at Marjorie, natalo dahil sa kanilang away

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dennis at Marjorie, natalo dahil sa kanilang away
Dennis

Ang pagiging magulo nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ang nakitang dahilan kung bakit pareho silang natalo. Sino raw ba ang may gusto na ang kasama sa mga mamumuno sa kanila ay magkaaway.

Hindi rin daw nakatulong sa kanila ang kasabihang “bad publicity is still publicity” dahil pareho silang talo. Lesson learned daw ito sa dalawa na bago sila sumabak uli sa pulitika, hindi na sila mag-aaway, lalo na in public.

Pareho nang naka-move on ang dalawa sa kanilang pagkatalo at si Dennis nga, nag-post na ng gig nila ng kapatid na si Gene Padilla at Pekto. Back to showbiz na siya at iniimbita ang followers niya sa June 7 sa Aromata na nasa Kyusi.

Si Marjorie, nagpasalamat sa 112K votes na natanggap niya at kahit hindi nanalo, tuloy pa rin siya sa pagtulong. Magpapahinga lang daw siya sandali.

Jolo, may dasal sa amang natalo

Nagpasalamat si Cavite first district representative Jolo Revilla sa supporters ng amang si Senator Bong Revilla sa katatapos na midterm elections.

Bahagi ng post niya na “Sadyang may panahon para sa lahat at gagamitin natin ang panahong ito para mas palalimin pa ang ating pananampalataya sa Maykapal, at pagningasin pa ang apoy ng paglilingkod at pagmamahal sa ating nag-iisang bansa.

“Dalangin natin na huwag magmaliw ang inyong suporta at pagmamahal kay Senator Bong Revilla dahil ito ang ating inspirasyon para magpatuloy sa pagbibigay ng serbisyo para sa ating mga kababayan.”

Gabby, game kahit anong time slot!

Reunion nina Kylie Padilla at Jak Roberto ang afternoon series ng GMA 7 na My Father’s Wife dahil nagkasama na sila nang gawin ang Bolera noong 2022.  

Sa nasabing series, isa si Jak sa nakapareha ni Kylie at sa muli nilang pagtatambal, more mature roles na ang kanilang gagampanan.

Para ngang mas excited pa si Jak sa role ni Kylie kesa sa role niya dahil sa nabanggit na “Excited ako for her kasi parang ngayon niya lang din gagawin ‘tong character na ‘to. Grabe! Abangan ninyo guys, sobrang nakaka-excite,” ani Jak.

Malapit na ang airing ng My Father’s Wife na tampok si Gabby Concepcion at siya ang nasa title role.

Bibilib ka kay Gabby sa pagiging hindi mapili sa time slot ng mga project na ibinibigay sa kanya.

DENNIS PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with