^

Pang Movies

Matapos ikasal, Kristel aarte pa rin

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Matapos ikasal, Kristel aarte pa rin
Kristel Fulgar at Ha Su-hyuk

Masayang-masaya ngayon ang dating Kapamilya child actress-turned content creator na si Kristel Fulgar dahil natagpuan na niya ang kanyang pinakamimithing partner na gusto niyang makasama habambuhay, ang mister na niya ngayon, ang South Korean national na si Ha Su-hyuk, her first boyfriend and hopefully her last partner.

Nagkakilala sila in South Korea nang magdesisyon si Kristel na subukan ang buhay sa nasabing lugar kung saan din siya nag-aral ng Korean language at lumagda sa isang South Korean talent agency, ang Five Stones Entertainment.

Sobrang thankful siya na dumating sa kanyang buhay si Ha Su-hyuk who patiently waited for her hanggang dumating ‘yung panahon na handa na siyang mag-commit nang magpa-convert ito sa Iglesia ni Cristo, isang patunay na gagawin nito ang lahat para lamang siya’y mapasaya.

Nung Feb. 28, 2025 ay inanunsyo ni Kristel ang kanilang engagement ni Ha Su-hyuk. 

It was in November 2024 nang opisyal na maging magkasintahan ang dalawa after Ha Su-hyuk’s conversion sa INC.

Pagkatapos ng kanilang engagement ay naging abala na sila sa preparasyon ng kanilang intimate wedding na ginanap sa Luna Miele in South Korea kung saan special guest performer ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista accompanied by his lovely wife na si Kat Ramnani-Bautista.

Although sa South Korea na naka-base ngayon si Kristel where she’s starting her own family, bukas pa rin umano siya tumanggap ng acting jobs sa Pilipinas.

98 degrees, dalawang gabing manghaharana

Inaabangan na ang two-night live concert ng dating boyband, ang ‘90s and early 2000s American vocal group na 98 Degrees na nakatakdang magtanghal sa SM MOA Area sa darating na May 30 & 31, 2025 sa ganap na ika-walo ng gabi.

Ang 98 Degrees ang nagpasikat ng mga awiting I Do (Cherish You), Invisible Man, Give Me Just One Night (Una Noche), Because of You, The Hardest Thing at ang number one collab ng grupo with Mariah Carey and Joe, ang Thank God I Found You.

Pinamagatang 98 Degrees Live in Manila, ang nasabing two-night concert ay produced ng VAA Live presented by Smart Communications, Inc.

Ang mga ticket ay mabibili na sa SM Tickets o ‘di kaya ay tumawag sa VAA Live at 0930-0921948 o ‘di kaya sa (02) 8687-5853 local 841.

Mayor Joy, Isko at Vico, tuloy ang paglilingkod

Gusto naming i-congratulate sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ng Quezon City dahil magpapatuloy ang kanilang paglilingkod sa nasabing siyudad sa loob ng panibagong tatlong taon.

Tiwala ang kanilang mga constituent sa kanilang pamamalakad sa pinakamalaking siyudad sa Pilipinas.

Si Gian ay kaisa-isang anak na lalake ni Sen. Tito Sotto at ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa-Sotto na muling magbabalik sa senado gayundin ang pinsan niyang si Vico Sotto na muling manunungkulan bilang mayor ng Pasig sa ikatlong termino. 

Si Vico ay anak ng veteran host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto (nakababatang kapatid ni Sen. Tito Sotto) at ang veteran actress at dating TV producer na si Coney Reyes.

Gusto talaga si Isko Moreno ng Manileño dahil muli siyang nahalal na mayor ng Maynila at tinalo niya ang kanyang dating ka-tandem na si Honey Lacuna na siyang outgoing mayor ng nasabing lugar.

Ang aming pagbati sa mga nanalong kandidato sa iba’t ibang posisyon and better luck next time sa mga hindi pinalad.

 

KRISTEL FULGAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with