Maja, ibibida ang game skills ng mga celeb guest!

MANILA, Philippines — Maghanda na dahil ang paboritong emoji-powered game show ng TV5 na Emoji-nation ay nagbabalik na para sa mas pinabonggang Season 5 — ang pinaka-exciting season ever!
Mas pinasaya pa ito ng pagbabalik ng nag-iisang Her Emojesty Maja Salvador, dala ang kanyang energy, star power, at karisma na minahal ng Kapatid viewers.
Sa premiere ng Emojination Season 5 ngayong May 17, asahan ang mas mind-bending emoji puzzles, mas matitinding papremyo, at mas marami pang sorpresang puno ng emoji-filled memories o memojies.
Ngayong isa na siyang mommy, mas inspired si Maja na maghatid ng masayang experience sa bawat pamilya. Iba ang dala niyang sigla at warmth sa bawat episode na siguradong magpapangiti sa lahat.
Hindi lang ito ang marka ng kanyang pagbabalik sa Emojination, kundi simula rin ng panibagong chapter niya sa TV5, kung saan mas marami pang dapat abangan ang fans and viewers sa kanya.
To da whole new level ang saya dahil makakasama rin bilang co-host ang Last One Laughing Season 1 grand winner na si Chad Kinis na magpapa-roll on the floor laughing sa mga manonood!
Nagbabalik din ang ever-energetic sidekick na si Chamy Aguedan, na dala ang kanyang mabilisan at patok na challenges! Ang kanilang tandem — ang ChaCha Duo — ay handa nang magdala ng iba’t-ibang klase ng saya na siguradong wilder, wackier, at five times the laugh trip!
Mula sa pinaghalong tuwa at nakababaliw na emoji puzzles, hanggang sa mga pasabog na surprises, ang Emojination Season 5 ay handa nang magdala ng five times na aliw, five times na katatawanan, at five times na wild entertainment!
Sa bagong season, abangan ang mga exciting celebrity guest na maglalaro ng emoji-fied games, pati na rin ang unforgettable episodes tampok ang Kapatid audience na magbibida ng kanilang guessing game skills.
Dagdag pa rito, may brand-new segment din na siguradong magiging crowd favorite at magdadala ng “maj panalong memojies” para sa lahat ng ka-Nation!
Huwag palalampasin ang premiere ng Emojination Season 5 ngayong May 17 (Sabado), 5:30 p.m. sa TV5 — at may same-day catch-up sa BuKo Channel ng 8:00 p.m.
- Latest