KC at Sen. Kiko, ‘di pa rin nagkakaayos!

In time ay umaasa ang mister ni Sharon Cuneta na si Senator-elect Francis “Kiko” Pangilinan na magkakaayos din sila ng stepdaughter niyang si KC Concepcion.
Sa nakaraang mediacon nina Sharon at Sen. Kiko nitong bago mag-eleksyon ay natanong ng press sa pulitiko kung kumusta na ang relasyon nila ni KC.
“Sila (KC and Sharon), in touch. Ako, in time. Lahat ng pamilya, mayroong tampuhan, so I pray, in time, it will be resolved,” sey ni Sen. Kiko.
Sa naturang panayam ay itinanggi rin ni Shawie ang isyung kaya nag-aaway ang mga anak niya ay dahil sa pera.
“Mayroong lumabas noon na nag-aaway daw ‘yung mga anak ko dahil sa pera, wala nga kaming minana sa tatay at nanay ko at buhay pa naman kami. Ano ‘yun? Napakababaw,” natatawang naiiling na sabi ni Mega.
“Actually, ang pinag-awayan nila, medyo may kababawan pero normal naman (‘yan) sa magkakapatid. Ganu’n lang ‘yun,” dagdag pa ni Shawie.
When asked kung willing ba siyang maging tulay para magkaayos sina Kiko and KC at sagot ni Mega, “matagal na, siyempre naman. Panganay ko ‘yon tapos asawa ko siya. Mahal na mahal naman niya ‘yung bata (KC).”
Samantala, sa latest Instagram post ni KC ay binati niya ang lahat ng mga nanalo sa katatapos lang na eleksyon at siyempre, kabilang dito ang kanyang stepdad na nananatiling matatag sa ika-5 pwesto among the Senatorial candidates kaya it’s safe to say na sigurado na ang panalo ni Sen. Kiko.
Narito ang buong mensahe ni KC para sa mga nanalong kandidato:
“Big love and congratulations sa lahat ng nanalo at na-re-elect ngayong eleksyon. Lalo na sa mga kaibigan at kapamilyang ngayon pa lang papasok sa posisyon, at sa mga muling pinagkatiwalaan ng taongbayan.
“Tahimik man akong nanood mula sa sidelines this time around (life lately has been more about healing and health care), this sunset reminded me: every ending is the start of a new chapter. A gentle pause before a powerful beginning!
“Nakakataba ng puso to witness this chapter unfold. The real work begins now… I pray our newly elected (and re-elected) lead with courage, and stay grounded and anchored in service, not self
“Para sa tao. Para sa bayan. For the generations to come. God bless our leaders and may He guide every step forward!”
Luis, winner pa rin ang pakiramdam!
“Panalo pa rin ako dahil sa inyo,” ito ang naging pahayag ni Luis Manzano hinggil sa kanyang pagkatalo bilang vice governor ng Batangas sa katatapos lang na halalan.
Sa kanyang madamdaming open letter para sa mga Batangueño na ipinost sa kanyang Instagram account kahapon, sinabi niya na bagama’t hindi siya pinalad ay feeling winner pa rin siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mapalapit sa mga kababayan.
“Mga kababayan kong Batangueño,
“Hindi man tayo pinalad sa resulta ng halalan, panalo pa rin ako, dahil sa inyo.
“Sa bawat ngiti, kwento, at yakap na ibinahagi n’yo sa kampanya, mas naramdaman ko ang tibok ng puso ng Batangas. Mas napalapit ako sa inyo. Mas nakilala ko kayo, at iyon ay habang buhay kong babaunin,” aniya.
“Salamat sa mga supporters, sa pamilya ko, at higit sa lahat, sa Diyos na naging gabay sa buong laban,” patuloy ni Lucky.
Naging masaya raw siya during the campaign dahil nakilala niya ang mga kababayan.
“Masigla at napakasaya ng kampanya dahil nakasama ko kayo. At kahit tapos na ang eleksyon, ito ay umpisa pa lamang ng matagal pa nating pagsasamahan.
“Hanggang sa muli. Maraming salamat po,” pahayag ng anak nina Edu Manzano and Star For All Seasons Vilma Santos.
Bagama’t hindi nagwagi si Luis ay panalo naman ang kanyang inang si Ate Vi bilang Gobernador ng Batangas, gayundin ang kapatid niyang si Ryan Christian Recto as Congressman ng 6th District ng naturang lalawigan.
- Latest