^

Pang Movies

Willie at Phillip, belong na sa lotlot and friends

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Willie at Phillip, belong na sa lotlot and friends
Willie

Walang silbi ang mga naglabasang survey bago nag-election.

Wala sa listahan ng mananalo sina Kiko Pangilinan and Bam Aquino. At maging si Rodante Marcoleta, pero ang tataas ng number nila sa partial and unofficial result ng May 12 midterm elections.

Actually, natanong namin ito kay now Sen. Kiko, tho wala pang proclamation, sa last presscon with the entertainment na suporta ng Regal Entertainment sa kanyang kandidatura, ilang araw bago naganap ang election

That time wala siya sa survey kaya tinanong namin siya kung naniniwala ba siyang mind conditioning ito : “May pros and cons, eh, syempre freedom of speech ‘yan ‘di ba. So release this researcher. Dapat lang siguro maging mapagbantay ‘yung ating mga kababayan and use media, and our media should also be very critical to correct and to expose ‘yung mga posibleng fake news,” sagot niya sa amin.

At ang katwiran niya pa: “Pero may mga datos na nagsasabi, marami sa mga kababayan natin hindi napapaimpluwensyahan sa social media, hindi naiimpluwensyahan ng mga survey. Meron pero sabi nila hindi significant. Mostly ‘yung mga nagco-cover, siguro ‘yung mga pulitiko mismo, pero yung man on the street na botante, hindi eh. And I go by tenet, na if you prohibit it, you ban it then that’s also a violation of freedom of our speech, of expression. So you have to balance it. Siguro ang pinakamaganda diyan, you can regulate it, point out, and the mainstream media should be involved there. Point out the pros and cons of the surveys why they are… which are accurate, which aren’t, why they make mind conditioning para mae-educate rin ‘yung voter.”

Aminado si now Sen. Kiko na unexpected ang pagiging number 5 niya sa ginaganap na bilangan ng boto.

Iyak nang iyak si Sharon Cuneta sa nasabing presscon last week dahil nga sa fake news na malamang ay nakatulong upang ma-realize ng mga voter na hindi dapat basta naniniwala sa mga nababasa sa social media.

Anyway, marami-raming celebrity na kumandidato sa nakaraang midterm elections ang hindi sinuwerte.

Kabilang na ang mga nasa survey na inasahang mananalo.

Pero sadly, hindi sila nakalusot sa millennials and Gen Z na voters.

Tulad ni Willie Revillame na habang papalit ang election noong Lunes ay tumataas ang numero sa survey, pero sa partial and unofficial result, hindi siya nakapasok sa Top 12 ng mga nanalong senador, nasa number 22 na siya at mas marami pa sa kanyang boto si Colonel Bosita na isa palang rider at Heidi Mendoza na hindi nag-ayuda.

Ganundin ang actor na si Phillip Salvador na umaasa rin daw na magwawa­ging senador pero malayung-malayo rin ang bilang ng boto sa mga nanalo, nasa number 20.

Klaro ring hindi na popularity ang labanan. Kasi pati ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, nakakagulat na hindi man lang nakasali kahit sa Top 15 ng mga nanalo sa partial and unofficial result.

At marami naman ang nagulat at nalungkot na nanganganib din si Sen. Bong Revilla na hindi makabalik sa Senado dahil as of this writing, nasa number 13 siya.

Pero sa totoo lang, nanggulat si Atty. Jimmy Bondoc na ang taas ng nakuhang boto, as of yesterday afternoon, meron na itong 10,205,196, kahit natalo siya na kumandidatong senador sa unang pagkakataon.

Kaya ang running joke ngayon, belong na sina Willie and Phillip sa ‘Lotlot and Friends.’

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with