Mga senior, nagdusa sa pagboto!

Isang malaking, malaking dusa talaga ang nangyaring pagpila para makaboto. Sobrang pagod at hirap para sa mga senior na tulad ko.
Talagang susukuan mo ang pila at oras na ibibigay mo.
Naku kundi lang sa mga kandidato na talagang iboboto ko, umuwi na talaga ako. Pero very encouraging ‘yung makita mo na mga senior na talagang seryoso para makaboto sila.
Merong mga naka-wheelchair, may tungkod, at mga senior na sinamahan ng mga anak nila para lang magawang bumoto.
Seryoso ang lahat na gampanan ang tungkulin nila sa bayan. At talagang matutuwa ka na ganito nila gampanan ang kanilang responsibilidad.
I am very proud to be a Filipino. We take our responsibility seriously.
Pag-uwi ng bahay talagang knockout ako, nakatulog ako sa pagod. ‘Kalokah.
Dialysis day ko kahapon kaya dapat meron akong energy. Hiniling ko na sana sapat ang tulog ko at recharged energy ko. Grabe talaga ‘yung pagod na iuukol mo sa pagboto.
‘Kaloka nga na meron pa raw isang 65-anyos na botante na pumanaw matapos mawalan ng malay ilang sandali pagkatapos nitong bumoto sa isang polling precinct sa Oas, Albay noong Lunes ng umaga.
Kakaboto pa lamang daw noon nang makaramdam ito ng pagkahilo.
Sobrang init naman kasi talaga sa mga classroom tuwing eleksyon.
Hay naku out of love for our country, dapat magsakripisyo ka talaga. Saka magaan sa loob na iboto ang mga kandidato na malaki ang nagawa kaya gumanda ang buhay mo.
Kailangang ipadama mo rin sa kanila na appreciated mo ang nagawa nila. Kaya kahit pagod, gutom, tiisin mo para ibigay mo ang nag-iisa mong boto.
Bongga.
- Latest