BINI umaming nagkamali sa intrigang ‘sekswal’

Humingi ng paumanhin ang P-pop girl group na BINI sa isang viral clip na nagdulot ng galit at disappointment sa mga tagahanga nila noong Huwebes, Mayo 8.
“We know that the past couple of days have been triggering and disappointing for all of you. Sincerely, we understand where all of those feelings are coming from,” sabi ng grupo sa isang pahayag.
Ang video na nag-viral ay nagpakita ng dalawa sa mga lalaki nilang kaibigan na kunyari ay may nagaganap na sekswal. Nasa video ang lider ng BINI na si Jhoanna, ngunit sinabi ng mga tagahanga na naroroon din ang mga miyembrong sina Stacey at Colet, at nasa likod ng mga boses na naririnig sa video.
“The video shows a private moment of us with friends. We definitely did not intend to hurt anyone in the process. We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability,” dagdag ng grupo sa kanilang statement.
Humingi pa ng paumanhin ang BINI at umaasang makakabawi sa kanilang mga tagahanga (BLOOMs), kaibigan, pamilya, at publiko sa kung paano lumabas ang isyu na hanggang kahapon ay trending pa.
“We humbly ask for a chance to reflect on and learn from our mistakes and continue to work on becoming better versions of ourselves.
“Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at pang-unawa (Thank you very much for your kindness, support, and understanding,” pagtatapos nila.
Ang dalawang lalaki sa video ay sina Shawn Castro at ang miyembro ng P-pop boy group na GAT na si Ethan David na naglabas din ng kanilang magkahiwalay na paghingi ng tawad hinggil sa insidente.
“Inaamin po namin na mali kami in so many ways with that joke. Masyado po kaming naging komportable at masaya sa mga ginagawa/sinasabi namin. Hindi po magandang biro ‘yun, especially sa kung pano siya nakita sa nasabing video,” ayon kay Shawn na isang dancer.
Samantala, sinabi ni David na inaako niya ang buong responsibilidad para sa kanyang mga aksyon, at idinagdag na naiintindihan niya kung paano niya “binitawan ang lahat” sa kanyang ginawa.
“Humihingi po ako ng kapatawaran sa mga nasaktan at nadisappoint sa akin. Nais ko pong ipahayag na malaki po ang respeto ko sa lahat ng tao lalong lalo na sa kababaihan, at anumang napakita kong kamalian sa kumalat na video ay hindi po sumasalamin sa mga pinahahalagaan ko bilang tao. Hinding hindi po ito mauulit,” bahagi ng paumanhin niya.
Pinasaya ang meeting de avance ni Mikey...Kean at Ice, tumibay ang pagkakaibigan sa kanta
Mas lumalim pala ang friendship ng singer-songwriter Kean Cipriano at OPM hitmaker Ice Seguerra dahil sa kantang Feels Like It’s The End of the Line.
Ito ang nabanggit ni Kean sa isang interview nang i-release ang kanta na aniya ay tungkol “a reflection on a relationship where love feels distant and the search for what went wrong.”
Paliwanag niya: “Writing the song ‘Feels Like It’s the End of the Line’ was quite a challenge for me. It represents a significant time in my life when I needed to let go and start a new chapter. At first, I wasn’t sure how to approach the song, but it soon became clear that it should be a collaboration with someone who could convey the right emotions,” sabi niya na hindi na binanggit kung anong sitwasyon ang kanyang tinutukoy that time.
Ang nasabing kanta ay released ng O/C Records, at nagpapasalamat siya sa kapwa ‘OG’ sa ASAP Sessionista na kamakailan ay nagkaroon ng concert kasama ang iba pang Sessionistas ng ASAP.
Aniya, grateful siya kay Ice na talagang nakipagtrabaho sa kanya na isang napakagandang kanta ang lumabas. “His voice and interpretation perfectly capture the sadness and gloominess that I wanted to express. Maraming Salamat tol, @iceseguerra, for giving this song a fresh perspective. It’s an honor to collaborate with a legend!” dagdag niya pa na nanguna sa pagbibigay ng saya sa meeting de avance ni District 2 Councilor Mikey Belmonte noong Huwebes ng gabi.
Anak nina Kiko at shawie, ‘di pa limot ang pagsusulat
Kailan ka huling nagbigay o nakatanggap ng sulat-kamay na sulat? Pero ang anak ng senatorial candidate na si Francis “Kiko” Pangilinan na si Frankie, may love letter sa pag-asang makakakalap ng suporta para sa kampanya ng kanyang ama.
Ito ‘yung nabanggit ni Sharon Cuneta na isang sulat para sa mga mayor ng lungsod sa buong bansa.
Ipinakilala ni Frankie, o Kakie, ang kanyang sarili bilang pangalawang anak nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta, at isang pribadong mamamayan na naghahanda para sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo.
“As I compose this message, l am sitting cross-legged amidst a sea of colorful post-its and index cards and stray sheets of paper, all front-and-back and end-to-end inked in service of my thesis. All this to say I have a real passion for the handwritten in this age of digital impermanence, which is why this letter means very much to me. I hope it reaches you with warmth,” sabi niya. (SUNDAN SA PAHINA 6)
“With it, I send a sincere and humble optimism that you might consider supporting my dad in the upcoming election.”
Binanggit pa ni Kakie na sa loob ng maraming taon, tiniis ng kanyang ama ang mga pagmumura at mga maling akusasyon ng kanyang karakter na “nakakadurog ng puso dahil hindi ito totoo.” Binigyang-diin niya na si Kiko Pangilinan ay isang hamak na tao—isang simpleng tao na “nag-iingat ng ilang dekada nang T-shirt at nakikinig sa disco music at nagdarasal sa pamamagitan ng liwanag ng kandila.”
Pagkatapos ay sinabi ni Kakie na wala silang political machinery o isang billion na budget upang itulak ang laban ng kanyang ama sa pagkasenador.
Sinabi ni Kakie na isang Gen Z na kung magpasya ang mga alkalde na suportahan ang kanyang ama, bibigyan nila siya ng walang katapusang at taos-pusong pasasalamat.
Ahh nabasa kaya ito ng mga mayor na pinadalhan nila?
Actually, kahit si Ate Shawie ay grabe ang ginawang tulong sa mister at sa Lunes, magkakaalaman na.
Anyway, bongga rin si Kakie, handwritten talaga.
- Latest