Dolphy, kumikita pa rin kahit matagal nang patay
Mula sa isang comedy scene sa pelikulang Father En Son in 1995 ang Banayad Whisky ng Comedy King na si Dolphy. Ngayon ay isang totoong inumin na ito na pinagawa mismo ni Eric Quizon.
Ang eksenang nagsu-shoot ng TV commercial si Dolphy para sa Banayad Whisky kunsaan naka-ilang takes na at nalasing na ito at naging iconic ang linyang “lasang blade” ang naturang whisky.
“Matagal na talaga namin iniisip ‘yan, buhay pa ang daddy ko. However, hindi naman siya nag-materialize kasi nga, during that time, medyo may edad na rin ang daddy ko. So, naiba na rin ang focus namin. Parang it’s not appropriate to sell whisky when my dad has COPD, ‘di ba?” sey ni Eric.
Pumanaw ang Comedy King noong June 10, 2012 sa edad na 83 dahil sa multiple organ failure.
May nauna nga raw na naglabas ng banayad whisky gamit ang larawan ni Dolphy, pero walang permiso ito sa Quizon Family.
Kaya tinuloy na ng pamilya ang pag-create ng liquor brand na Pidol’s Banayad Whisky. Naging hit ang kanilang produkto noong magkaroon ito ng soft launch sa isang travel expo. Pinagmamalaki ni Eric na isang premium Scotch whisky ang Pidol’s Banayad Whisky.
Ikinatutuwa niya na kahit na 13 years nang wala ang kanilang ama, hanggang ngayon ay ginagabayan pa rin sila nito.
“Sabi ko nga, my dad is already dead, but he is still providing for us. It is true because all of these things that are happening online now, naka-attach ang name niya. So, kaming magkakapatid, let’s prolong his legacy and let’s push it para people won’t forget him. ‘Yun talaga ang goal namin.”
Bukod sa liquor product, naka-establish na rin sila ng neighborhood bakery called Pidol’s Bakeshop. At ang mga na-produce naman na mga pelikula under RVQ Productions, inaasikaso na rin niya ang pag-release ng mga ito on streaming platforms.
Bernard, pinagsisihan ang pagdrodroga
Pinagsisisihan ni Bernard Palanca ang pagiging drug addict niya noon. Noong malulong daw siya sa pinagbabawal na gamot, naapektuhan ang kanyang magandang career.
“If it’s possible to go back, I would definitely go back to the very first day that I tried doing something. Because I would tell myself, I wouldn’t do it. When that happened, that caused already the rest of the way. If I didn’t take the first puff as they say back then, I don’t think my life would have gone in that direction at all,” sey niya na miyembro noon ng all-male group na The Hunks noong early 2000s composed of Diether Ocampo, Jericho Rosales, Piolo Pascual, and Carlos Agassi.
After magpa-rehab, sinikap niyang magbagong-buhay at pagpulutan ng aral ang pinagdaanan niyang iyon. Gusto raw niyang patunayan sa mga anak niya kina Meryll Soriano at Jerika Ejercito na nagbago na siya.
Jessica Sanchez, susubok ulit sa AGT!
Muling nagbabalik si Jessica Sanchez sa pagsali niya sa 20th season ng America’s Got Talent.
Unang nag-perform sa AGT stage ang 29-year-old Fil-American singer ay noong 10 years old siya sa first season ng show.
Sumikat siya sa season 11 ng American Idol in 2012. Naging first runner-up siya sa winner na si Phillip Phillips. Lumabas siya sa TV shows na Glee at nag-guest sa maraming A-list concerts.
Kinasal si Jessica to Rickie Gallardo in Texas noong 2021.
- Latest