^

Pang Movies

Kathryn, ayaw na talagang makita si Alden?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kathryn, ayaw na talagang makita si Alden?
Kathryn Bernardo

‘Kaloka naman ang mga basher ni Kathryn Bernardo na iniintriga sa hindi nito pagsipot sa mga awarding na natatanggap ng pelikulang pinagbidahan nila ni Alden Richards na Hello, Love, Again.

Hanggang ngayon kasi umaani ng mga award ang pelikula nila na halos buwan-buwan ay merong natatanggap na parangal.

Base kasi sa obserbasyon ng mga basher ay si Alden lang ang madalas na dumalo sa mga award na natatanggap nila gaya na lamang ng Cine Expo 2025 at noong nakaraan pa raw ay nanay nitong si Min Bernardo ang dumating para sa aktres.

Kaya tanong ng mga basher ay nagkataon lamang daw ba o may iniiwasan ito na ang tinutukoy ay si Alden.

Kung anu-anong akusasyon ang binibintang nila kay Kathryn dahil lang sa hindi nito pagdalo.

Na mukhang busy lang naman ang aktres sa kasalukuyan.

Kaka-post nga lang ng Star Magic sa teaser ng powerhouse project na pagsasamahan nila ni Nadine Lustre kaya posibleng iyon ang dahilan kaya hindi ito nakadalo.

‘Kaloka talaga ang mga basher na nakabantay kay Kathryn lalo na sa lovelife nito. As in magkakapera sila kapag nalaman nilang may lovelife na si Kathryn.

Hayaan natin sila kung hindi na nga in good terms sina Alden at Kathryn. Wala na tayong dapat pakialam doon dahil buhay naman nila ‘yun noh.

‘Kaloka kayo. Hahaha.

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with