Willie mahilig manumbat!

Kaloka Salve, dahil naalala ko si Jopay Manago nang mapanood ko iyong commercial ng candidacy ni Willie Revillame naalala ko rin ang tulong ni Lani Mercado.
Si Lani pala ang hiningan ng tulong ni Jopay dahil kailangan ng approval ng guardia para maipasok sa Home for the Aged.
Talagang tinanong daw ni Lani si Jopay kung wala na ba itong kamag-anak na puwedeng mag-alaga sa kanya, at sinabi nga nito na wala kaya mas gusto niya mapunta sa Home for the Aged.
Pero kung nagkaroon man lang sana ng konting compassion si Willie, at binalik sa trabaho si Jopay, siguro hindi niya maiisip na mapunta roon.
Hanggang ngayon tuloy naiisip ko iyong pangaral ni Douglas Quijano na dapat kahit paano meron kang pera para sa pagtanda mo.
Na napaka-importante dahil hindi mo alam kung may tutulong sa iyo.
Totoo naman dahil marami sa ating mga kasamahan ang makikita mo na talagang hirap dahil na nga sa mga pagbabago ngayon sa showbiz.
Napakahirap makita na isa sa dating maayos ang buhay ay parang hirap ngayon harapin ang mga nagaganap.
Saka iba na nga ang panahon, medyo slow down na ang showbiz kaya kung wala kang fallback, kaya tiyak na hirap kang kumita.
Kaya kung meron kang kahit konti man lang, medyo magaan para sa iyo. Life is full of surprises kaya dapat handa tayo sa pagharap dito.
Hindi puwede na bahala lang ang attitude mo. Lalo ngayon na medyo mahirap ang buhay. Kaya naman ingat-ingat sa paggasta.
At kung kaya ninyong huwag humingi ng tulong kay Willie Revillame gawin n’yo, dahil isa sa ugali niya ang manumbat at ipaalala sa iyo ang binigay niya.
Take my words, alam ko ang ilan sa mga sinumbatan niya.
Kaya ingat sa pagboto dahil baka maibigay natin sa mga walang karapatan, hindi bongga.
- Latest