^

Pang Movies

David pumasok sa PBB

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
David pumasok sa PBB
David Licauco
STAR/File

Sumabak na rin sa kampanya ang Pambansang Ginoo na si David Licauco.

Ito ay bago siya opisyal na pumasok sa PBB House bilang pinakabagong houseguest sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition kagabi kasunod ng paglabas ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan.

Anyway, kung nanggulat siya sa PBB, ginulat din nito ang talent manager and ALV Entertainment boss na muling sumabak sa pulitika, si Arnold Vegafria.

Aminado ang talent manager na hindi niya sinabihan ang alaga na ikampanya siya na kumakandidatong mayor sa Olongapo City.

Kaya gulat daw siya na tumulong ang Kapuso actor sa kanya kung saan sinorpresa ni David ang mga dumalo kamakailan sa isang rally sa Gordon College na umabot ng eight to 10,000 supporters ng tinaguriang Manager ng Bayan.

“I didn’t expect na darating siya, tuwang-tuwa ang mga andun. Halos maiyak-iyak sila. Hindi raw nila in-expect na makikita nila si David,” kuwento ni Arnold sa Pandesal Forum kamakailan na inorganisa ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery Cafe.

Aside from David, suportado rin ang kandidatura ng talent manager ng ilang beauty queens.

Si Arnold din ang may hawak ng franchise ng Miss World Philippines at Miss Grand Philippines pageants.

“For now, itong election na ito, beauty queens, they helped me. They’re always there everytime I need their support. Pero siguro ’yung aking Miting de Avance, baka nandiyan ’yung ibang mga artists ko. But I don’t expect,” sabi pa ng former business manager ng People’s Champ Sen. Manny Pacquiao.

Sa May 9 gaganapin ang Miting de Avance sa kahabaan ng Magsaysay Drive, sentro ng kanyang rehabilitation drive para maging progresibo’t major tourism destination muli ang Olongapo.

“Kasi nga ang konsepto ko is i-revive ko ang Magsaysay Drive which is the main tourism industry ng Olongapo and I want to show to them na, you know, that I’m serious of doing… ayusin natin ang entertainment ng Olongapo,” banggit ni Arnold.

Kabilang pa sa mga prominent supporter niya ang celebrity vlogger na si Small Laude at ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez na boses niya ang maririnig sa mga platapormang binuo ni Arnold.

Kaya naman wala siyang gastos sa mga endorser, sila mismo ang lumalapit sa kanya para tumulong.

Ginagamit niya raw ang kanyang mga dekada na karanasan sa pamamahala ng mga talent, advertising, at entertainment production habang sinisikap niyang i-rebrand ang kanyang sarili bilang isang public servant.

“I’ve dealt with high-pressure situations and strong personalities for over two decades. Managing a city requires similar skills—strategic planning, people management and creative thinking,” katwiran niya.

Naniniwala rin siya na sakaling palarin, makatutulong siyang ibalik ang glory days ng kinalakihang probinsya na nakilala bilang “Cradle of Pinoy Rock” noong dekada ‘70, panahon ng U.S. military bases.

“All we need to do is to revitalize our industrial infrastructure and attract foreign investors and tourists to stimulate economic boom.I know that it won’t be an easy task, but I am confident that with our team’s dedication, we can rebuild this city and bring back the economic and tourist boom that our city enjoyed during the time of the U.S. naval bases,” patuloy niya.

Maalalang maraming artista ang nagmula sa Olongapo dahil nga U.S. naval bases.

Wala naman daw dapat ipag-alala ang mga alaga dahil maluklok man sa pwesto, hindi pa rin tatalikuran ni Arnold ang nasimulan sa showbiz industry.

Samantala, naniniwala si Arnold na aabot sa real life relationship sina David and Barbie Forteza.

Tho aniya, hindi niya pa nakakausap in person si Barbie, ramdam niya ang kilig sa magka-loveteam.

DAVID LICAUCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with