^

Pang Movies

Beteranang aktres Alicia Alonzo, madre na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Beteranang aktres Alicia Alonzo, madre na!
Alicia Alonzo

Ang bongga na madre na raw pala ngayon sa isang monasteryo sa Pampanga ang beteranang aktres na si Alicia Alonzo.

Ikinuwento raw nito sa vlog ni Julius Babao ang kanyang journey sa pagiging madre.

Nagsimula raw noong taong 2000 nagpupunta na sila roon, regular daw silang nagsisimba roon noong taong 2001 linggu-linggo ng mahigit 20 taon kasama ang pumanaw na actor na si Lito Legaspi.

Siya raw pala ang nagdala kay Lito roon dahil alam niyang nagse-seek iyon at alam niya ang gusto nito.

Unang beses pala siyang sumubok na mag-stay roon nang matagal ay noong mag-lockdown.

Taong 2003 naman daw nang madulas siya roon at hindi raw siya nakaalis sa monasteryo nang ma-confine siya.

Pero mga magda-dalawang taon pa lamang daw siyang nakatira roon at opisyal na raw siyang nagretiro sa showbiz.

Mas gusto na lamang daw niyang mag-focus sa pagmamadre ngayong magse-79 years old na siya.

Buong buhay raw niya ay puro gusto lamang niya ang ginawa niya, ngayon daw sa edad niya, naisip naman niya na ibigay na sa Panginoon ang natitira niyang oras.

Nabanggit nga rin niya noon na wala talaga siyang interes sa showbiz na naging flight stewardess bago siya nag-artista dahil sa kapatid na action star na si Anthony Alonzo.

Nakakatuwa na lutang ang saya ni Alicia sa tahimik na buhay niya roon.

ALICIA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with