^

Pang Movies

Innervoices, pinalakas ni Bruno Mars!

Salve V. Asis - Pang-masa
Innervoices, pinalakas ni Bruno Mars!
Innervoices

MANILA, Philippines — Ang sayang mag-chill out ‘pag ang bandang InnerVoices ang tumutugtog.

Chill lang talaga at ang lakas maka-throwback.

Karaniwang kasama sa mga setlist ng banda ang mga hit noong 1980s, mga piling track mula noong 1990s, at mga contemporary classic.

At last week ay ipinakilala nila ang kanilang bagong vocalist, si Patrick Marcelino, kasabay ng media launching ng kanilang mga original song.

“Siguro may kinalaman ito sa pangalan natin—InnerVoices—dahil sa loob nanggaling ang musika natin,” sabi ni Atty. Rey Bergado, founder, leader and keyboardist ng banda.

Aside from Atty. Bergado, ang InnerVoices ay binubuo nina Jojo Esparago (drums and percussion), Rene Tecson (lead guitar), Joseph Cruz (keyboardist) and Ruben Tecson (drums). At kabilang sa mga bagong kanta nila ang Meant To Be, Galaw, Idlip, at Tubig, Hangin, Apoy, Lupa o T. H. A. L. na ipinarinig that night.

Ang Meant to Be ay sinulat ni Atty. Rey. “Ginawa ko ‘yung kanta, 2016 pa. Pero pakiramdam ko, may time talaga para i-release ‘yung kanta.

“And then nagka-hiatus ‘yung banda noong 2017 so, hindi namin siya nai-record,” aniya pa sa ginanap na media launching ng apat nilang kanta kasabay ng pagpapakilala sa bagong vocalist.

“Noong dumating si Angelo (former vocalist) iba naman ‘yung forte niya. So kung maaalala n’yo rock ‘yung kinakanta namin. We tried na i-record nga pero we both knew na hindi babagay kaya naitabi ulit.

“And come 2024 si Patrick nag-message sa akin, ‘puwede bang humingi ng pa-birthday?’ kasi birthday niya noong December. Sabi ko ‘ano gusto mo?’ Sagot niya, ‘ibigay mo na lang sa akin ‘yung Meant To Be, kasi parang ‘di n’yo naman kakantahin.

“Sabi ko, why not. Hindi naman kasi namin kakantahin, ibinigay ko sa kanya, so ini-record namin noong 2024,” kuwento ni Atty. Bergado na passion lang talaga ang pagbabanda pero tuloy ang pagiging abogado niya.

“Tapos sumunod ‘yung Idlip ganoon din, ibinigay sa akin ni Bob, ‘sige i-record natin,’ so naging dalawa na ‘yung kanta niya.

“Pero ang plano namin ‘yun i-release as solo niya kasi gusto ko siyang tulungan dahil sabi niya na every time na a-absent si Angelo siya ‘yung papalit,” paliwanag niya.

“Parang gusto kong tumanaw ng utang na loob kasi mahirap ‘yun. Totoo, mahirap palitan si Angelo on stage, but nakukuha niya ‘yung tao and I know kaya niya. But alam ko ‘yung adjustment na gagawin niya kapag kami ‘yung kasama niya. So, sabi ko sige bibigyan kita ng break,” papuri niya sa bagong bokalista nila

Hanggang nagpaalam nga sa kanila ang bokalista nilang si Angelo. Hindi na sila nahirapang mag-isip ng papalit. “Eh dumating nga ‘yung development na ganito we might as well kunin ka na naming singer ‘yung ini-record natin gamitin natin sa InnerVoices, talagang Meant To Be, so bumagay talaga ‘yung title.”

Dagdag naman niyang paliwanag sa isa pa nilang original song : “I’m not here para sa sarili ko, dahil co­ming from the industry when I was in college gusto ko ring tumulong.

“So nagbigay siya (Glen) sa akin ng kanta, sinabi niya, ‘baka puwede mo akong tulungan sa mga song ko?’ Ibinigay niya sa akin ‘yung Galaw,” dagdag na paliwanag ni Atty. Bergado.

Bagay kay Patrick ang mga bagong kanta.

Mala-Bruno Mars ang tunog ng boses niya na mas nagpalakas sa bandang InnerVoices.

Habang inaangkin ng InnerVoices ang kanilang lugar sa local music industry, kinikilala ni Atty. Bergado ang umuusbong na mga banda o grupo ng mga mang-aawit. Naniniwala siya na “the Philippine music scene is blessed with artistic, progressive, and experimental young talents,” sabay banggit sa mga banda at grupong Sunkissed Lola, Juan Karlos, BINI, XOXO, SB19, Lola Amour, and Hey June.”

“Suwerte rin kami na mayroon pa ring mga beterano tulad ng Eraserheads, Sandwich, Hale, Kamikazee, Mayonnaise, Side A, at Freestyle, kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez. At masasabing ang industriya ng musika ay mas malakas kaysa dati.”

Their new songs Galaw, Idlip, Meant to Be, and T. H. A. L. are now avai­lable on all digital music platforms.  

BRUNO MARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with