Drew, walking green flag sa pagpapa-vasectomy!

Ang bongga naman ni Drew Arellano na nagpa-vasectomy na raw.
Sa post nito habang nasa hospital bed pa, sey niya “Happy late and advanced Mother’s Day to my wife. #HappyVA-SEC-TO-MEEE #snipsnip #SarapYungSedativeAh”
Matapos nga ang ika-limang pagbubuntis ni Iya na kapapanganak lang noong February ay nagdesisyon na siyang magpa-vasectomy para hindi na madagdagan ang anak nila.
Puro papuri nga raw ang natanggap ni Drew sa mga kaibigan at mas lalong dumami ang mga tagahanga niya.
Pati nga ang aktres na si Carla Abellana ay napakomento ng “Sa mga kalalakihan diyan, dapat ito tularan.”
At pati nga si Iza Calzado ay nagpasalamat sa pagbahagi niya ng personal choice niya at tinawag na “Legend” ang mister ni Iya.
‘Katawa nga raw ang komento na kinumpara sina Iya at Drew sa mag-asawang sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na mukhang wala pa raw balak tumigil sa paggawa ng baby. Kapapanganak lang din kasi nakaraang taon ni Kristine sa ika-anim nilang anak.
Eh kung afford naman kasi nilang magkaroon ng maraming anak, ‘di ba.
Marami nga raw misis ang napa-sana all sa ginawa ni Drew na kayang magsakripisyo para kay Iya.
Tinawag pa siyang walking green flag.
- Latest