Sanya, gusto nang mag-asawa

It was not an easy climb to stardom para sa Kapuso star na si Sanya Lopez, 28. Tulad ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jak Roberto, matagal din siyang naghintay bago siya nabigyan ng mga lead role.
Katorse anyos pa lamang noon si Sanya nang mamataan siya ni Kuya Germs (German Moreno) nang ito’y sumama sa kanyang kuya na si Jak sa set ng Walang Tulugan with the Master Showman kung saan mainstay ang actor. Agad pinapag-audition noon si Sanya and the following week ay isinama na siya sa mga regular ng programa.
Dahil din kay Kuya Germs, paminsan-minsan ay nasasama sila ni Jak sa ilang serye ng GMA sa mga supporting role.
Matagal-tagal din siyang nag-portray ng mga support role bago nabigyan ng break to do lead roles. It was after she became part ng remake ng Encantadia nang maging sunud-sunod na ang mga offer sa kanya to do lead roles tulad ng First Yaya, First Lady, Mga Lihim ni Urduja, at Pulang Araw.
Kinuha rin siyang leading lady ni Bong Revilla sa Agimat ng Agila at kasama rin siya sa pinakabagong Encantadia Chronicles Sang’gre.
Siya ay isa na ngayon sa mga in demand leading lady ng Kapuso network.
Samantala, at 28 ay ngayon lamang naranasang makipag-date ni Sanya na aminadong NBSB siya or No Boyfriend Since Birth.
She’s currently dating a Filipino-Chinese businessman. Aminado si Sanya na kinu-consider na rin niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya sakaling dumating si ‘Mr. Right’ sa kanyang buhay.
Speaking of Jak, hindi man siya major actor, nakakabilib ang pagiging pursigido nito sa buhay dahil ginawa niyang goal ang pagkakakaroon ng sariling bahay na kanyang tinupad sa kanyang almost 14 years in showbiz.
“Priceless ang mga natutunan namin kay Kuya Germs,” pahayag ni Jak.
Proud din siya sa nakababatang kapatid na si Sanya.
Ang ipinatayong bahay ng actor ay reward niya sa kanyang sarili and hopefully ay dito rin niya ititira ang kanyang future wife na hinahanap pa niya ngayon.
Hindi rin naging madali ang proseso ng paghi-heal ng puso niya sa breakup nila ni Barbie pero naniniwala siya na may ibang plano sa kanya si Lord.
- Latest